6. Bakit sinasabing magkakapantay-pantay ang lahat ng mga tao ngunit
mayroong mga mayayaman at mahihirap?
a. dahil lahat ay pareho sa kakayahan
b. dahil lahat ay may karapatang dumadaloy mula sa dignidad
o dahil lahat ay nilikha ng Diyos
d. dahil lahat ay maaaring gawin lahat ang ninanais
7. Sa paanong dahilan labis na naaapektuhan ang mga mahihirap sa
nararanasang pandemya ng CoWD-19 sa buong mundo?
a. Hindi sila makapaghanapbuhay kaya umaasa sila sa tulong ng gobyerno.
b. Takot silang mahawaan dahil walang pampagamot sa ospital.
c. Sila madalas ang may maraming mga anak.
d. Sila ang mas madaling kapitan ng sakit
8. May mga masasamang gawain na madalas nag-uugat sa kahirapan. Alin sa
mga sumusunod ang nagpapatunay rito.
a. Si Berto ay ulila at walang malapit na kamag-anak. Napasama siya sa mga
batang kalye na nagnanakaw sa mga bahay-bahay upang may pang-laman-
tiyan
b. Si Alice na naghahangad na magkaroon ng mga mamahaling gamit at
pumayag na maging tagapaghatid ng ipinagbabawal na gamot.
c. Si Ned ay niloko ng isang dayuhan. Kinamkam ang kaniyang lupang sakahan
kaya si Ned ay sumanib sa NPA upang mabawi ang kaniyang lupain.
d. Si Berta ay ipinagkasundo nang ikasal sa isang lalaking hindi niya kilala.
Pumayag ang magulang ni Berta dahil sa alok ng lalaki na malaking halaga
na maaaring pambayad nila sa utang ng pamilya,
9. Bilang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang malahon sa kahirapan
ang sarili at iyong pamilya?
a. manalig at magtiwala sa Diyos
b. mag-aral nang mabuti upang makapagtapos at matupad ang minimithing
propesyon
c. maging masinop at madiskarte sa buhay
d. sumabay sa agos ng buhay
10. Ano ang mahalagang gampanin ng pamahalaan upang mapanatili ang dignidad
ng mga mamamayan nito?
a. Magpasa ng mga batas sa pangangalaga ng mga karapatang pantao.
b. Kumiling sa mga mayayamang umaapi sa mga mahihirap at katutubo.
c. Siguruhing may sapat na pagkain ang mga mamamayan.
d. Masusing ipatupad ang mga batas kaugnay sa pangangalaga ng karapatang
pantao ano man ang katayuan sa buhay.
11. Ang mga sumusunod ay mga paraan upang maipakita ang pagpapahalaga sa
dignidad ng mga IPs maliban sa
a. paglalaan ng panahon upang iparamdam sa kanila na sila ay bahagi ng
lipunan
b. pagiging sensitibo sa kanilang kultura
c. pagbibigay-galang sa kanilang kinagisnang tradisyon
d. pagmamaliit sa mga katutubo at mahihirap
12. Maaari bang maalis sa isang tao ang kaniyang dignidad?
a. Hindi, dahil hindi naman niya ito maaaring ibigay kanino man.
b. Hindi, dahil ito ay likas sa tao at hindi kailanman maaaring alisin.
o. Hindi, ngunit maaaring mabawasan ang dignidad ng tao.
d. Hindi, ngunit maaaring may katumbas na salapi
Share
Answer:
6. b
7. b
8. c
9. a
10. d
11. d
12. b
Answer:
6. A
Explanation:
zorry yan lng alam ko ih