7. Alin sa sumusunod ang katangian ni Labaw Donggon ang hindi kapani-paniwala at hindi
nangyayari sa tunay na buhay?
A. Hindi natatakot lumaban para sa pag-ibig
B. Pagkasilang pa lamang ay agad na itong tumayo at nagsalita.
C. Matapang na naglalakbay sa malayong lugar kahit wala ang ina.
D. Madaling magkagusto ng babae at laging may pagnanais na pakasalan ito
8. Katulad ng ibang akdang pampanitikan, nagpasalin-salin ang mga epiko ng iba’t ibang
lugar mula sa kanilang ninuno hanggang sa kasalukuyang henerasyon. Alin sa sumusunod
ang dahilan kung bakit dapat ipagpatuloy ang pagbabahagi ng mga akdang pampanitikan
katulad ng epiko?
A. May mga pakikipaglabang nagaganap.
B. Nagpapakita ng kultura ng lugar na pinagmulan nito.
C. Malaman kung sino ang itinuturing na mga bayani noon.
D. Magkaroon ng pagkakataon na mabasa rin ng kabataan ang epiko noon sa kasalukuyan.
9. Ano ang nagpalungkot ni diwatang Abyang Alunsina batay sa akda?
A. Ang pagkamatay ng sariling asawa.
B. Ang pagkawala ng kanyang kapangyarihan bilang diwata.
C. Ang pag-agaw ng kanyang kapatid sa kanyang minamahal.
D. Ang paglisan ni Labaw Donggon sa kanilang lugar kahit batang-bata pa ito.
10. Ano ang tawag sa pagsasaayos ng kahulugan ng salita ayon sa intensidad o tindi
ng kahulugang nais ipahiwatig?
A. Konotasyon B. Denotasyon C. Pagkiklino D. Pagtataya
Share
Answer:
7.B
8.B
9.D
10.C
Explanation:
;) carry on learning