8. Ang yamang tao ay katuwang sa pagpapa-unlad ng isang bansa at
maituturing na kayamanan. Sa iyong palagay, bakit itinuturing na
pinakamahalagang yaman ng isang bansa ang tao?
A. Dahil ang tao ang nangangalaga sa kaniyang kapaligiran ngunit
inaabuso naman kalaunan.
B. Dahil ang tao ang lumilikha ng mga produkto para sa kanyang sariling
interes at kasiyahan.
C. Dahil ang tao ay may kakayahang kilalanin ang pangangailangan ng
iba ngunit walang sapat na kaalaman upang tugunan ito.
D. Dahil ang tao ang nangangalaga at lumilinang ng likas na yaman para
sa kapakinabangan ng lahat.
11.Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa pagpapataas sa antas ng
karunungan sa pagbasa at pagsulat sa iyong bansang kinabibilangan?
A. Maghahanap ako ng mga taong maaaring makatulong sa kanila.
B. Ibabahagi ko ang aking kaalaman sa pagbasa at pagsulat sa mga
kabataang hindi nakapag-aral.
C. Ibibigay ko ang kanilang pangangailangan upang makatulong sa
kanilang pag-aaral.
D. Isusulong ko ang mga proyekto ng paaralan upang makatulong sa mga
batang walang kakayahang makapag-aral.
12.Kung ang populasyon ng isang bansa ay binubuo ng mga bata at matandang
poupulasyon, ano ang nakikita nating implikasyon sa usaping pangekonomiya ng isang bansa?
A. Magkakaroon ng maraming lakas-paggawa.
B. Magkakaroon ng kakulangan sa lakas-paggawa,
C. Mas marami ang dapat na bigyan ng atensiyon ng pamahalaan sa
aspetong medikal.
D. Mas maraming mamamayan ang dapat mangibang bansa.
14.Isa sa mga nararanasang matinding suliranin ng daigdig natin sa
kasalukuyan ay ang suliranin sa basura na siya ring problemang pinapasan
ng ating paaralan. Sa iyong palagay, sa mga naging pagtugon ng paaralan,
alin ang epektibo upang mabawasan ang mga basura?
A. Pagkakaroon ng oplan linis sa loob ng Paaralan.
B. Mahigpit na pagpapatupad ng zero plastic policy.
C. Pagsasagawa ng recycling sa mga basura.
D. Pagkakaroon ng mga Materials Recovery Facility (MRF).
15.Ang Indonesia ay isang bansa na nagsisikap na makontrol ang paglaki ng
kanilang populasyon sa kanilang programang Quality Family 2015 subalit
maraming naging balakid upang maisakatuparan ang kanilang layunin. Alin
sa sumusunod ang mga naging balakid sa pagpapatupad ng kanilang
programa?
I. Ang pagkakaroon ng mga lokal na tradisyon at kultura.
II. Ang pagiging Islamiko ng karamihang mamamayan.
III. Kakulangan ng panahon upang maipatupad ang programa.
IV. Ang pagtanggap at kaugalian ng mamamayan sa kanilang bansa.
A. I, II, III
B. II, III, IV
C. I, II, IV
D. I, III, I.
salamat po sa sasagot.
Share
Answer:
8. A
11. B
12. C
14. D
15. A