8 elemento ng epiko
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang epiko na tulang pasalaysay ay may mga elemento kagaya ng sumusunod:
1. Sukat at Indayog
Tumutukoy ang sukat sa magkakatulad na bilang ng pantig sa bawat tiyak na hati ng taludtod o mga taludturan. Ang sukat sa bawat taludtod ay maaaring maging wawaluhing pantig(8), lalabindalawahing pantig(12), lalabing-animing pantig(16), lalabingwaluhing pantig(18). Isinasaayos ang epiko sa paraang maindayog o maaliw-iw.
2. Tugma
Ang epiko ay gumagamit ng magkakahawig na tunog sa dulompantig ng mga taludtod. Tinatawag itong tugma.
3. Taludturan
Ang pagpapangkat-pangkat ng mga taludtod ng isang tula ay tinatawag na taludturan. Karaniwang apat na taludtod ang bumubuo sa isang taludturan o saknong.
4. Matatalinghagang Salita
Ang epiko ay ginagamitan ng matalinghangang salita o idyoma. Ang mga ito ay may kahulugang taglay na naiiba sa karaniwan. Di tuwirang nagbibigay ng kahulugan ang mga idyoma.
5. Banghay
Ang epiko bilang tulang pasalaysay ay kakikitaan din ng pagkakaugnay- ugnay ng pangyayari. Ito ay ang banghay. Maari itong payak o komplikado. Makikita rin na maraming mga pangyayari sa epiko ang hindi kapani-paniwala o hindi makatotohanan.
6. Tagpuan
Mahalaga ang tagpuan sapagkat ito’y nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa paksa, sa banghay, at sa tauhan.
7. Tauhan
Mapapansing ang tauhan sa epiko ay nagtataglay ng supernatural o di pangkaraniwang kapangyarihan.