8. Napansin mong nagbubuga ang sinasakyan mong dyip ng makapal at maitim na usok. Ano ang gagawin mo? A. Ipaabot ang sitwasyon sa tamang awtoridad. B. Magsusumbong ka sa makikitang pulis at ipakulong ang drayber. C. Sabihan mo na lang ang tatay mo na ihatid at sunduin ka sa paaralan. D. Balewalain ang nakita mo dahil sanay ka na sa ganitong usok araw-araw. 9. Maraming mga bote at bag na plastik ang nanay mo. Ano ang gagawin mo? A. Susunugin mo ang lahat. B. Babalewalain mo ang tungkol sa bagay na iyon. C. Sasabihin mo sa nanay mo na ipamigay ang mga iyon. D. Imumungkahi mo sa nanay mo na i-recycle ang mga ito 10. Napansin mong marumi at maraming kalat ang sapa na malapit sa inyong paralan. Ano ang gagawin mo? A. Magkunwaring wala kang nakita. B. Magkikibit-balikat na lamang dahil wala ka namang magagawa. C. Magsimula ng isang kampanya sa paglilinis kasama ang inyong pamilya. D. Pupunta sa lokal na pamamahalaan upang ipasa ang mungkahi sa paglilinis.
Share
Verified answer
Answer:
8. A
9. D
10. C
Explanation:
sana makatulong
pa rate na lang po