902 Lunes ng madaling araw, nakatanggap ako ng isang mensahe mula sa pinakamatalik kong kaibigan. Siya ang kaibigang halos kapatid ko na kung ituring. Sa pagitan ng alas-3:00-4:00 ng umagang iyon, isang malagim na aksidente ang naganap habang binabagtas niya ang kahabaan ng Daang Maharlika. Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan, ang pagkawala ng preno ng likurang bahagi ng sasakyang kanyang minamaneho. Sa pagpigil sa manibela nito ay kasunod ang pagbangga sa puno, at sa lakas ng biglang pagpihit ng trak na may numero na 902 ay ang paghampas ng kanang bahagi nito sa mga puno. Nasa 11 ang sugatan at isa ang malubhang nasugatan na agad binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutang panlalawigan. Ang aking matalik na kaibigan, ang aking itinuring na kapatid, ilang araw at gabi ring nagpalipas sa likod na rehas na bakal. Habang nananalangin, nagdarasal, at umaasang malalampasan ang pagsubok na dumating sa kaniyang buhay. Lahat ng ito ay malugod niyang tinanggap, hinarap at nilampasan.
Pagsasanay 1 Panuto: Gamit ang tamang sanggunian, hanapin ang mga kahulugan ng mga sumusunod na salita at gamitin ito sa pangungusap. Isulat ang sagot sa espasyong nilaan.
1. rehas na Bakal-___________________
________________________________
2.binawian ng buhay-_______________
________________________________
3.nilapatan ng lunas -________________
________________________________
4.malagim-________________________________________________________
binabagtas-_______________________________________________________
•mali ang sagot report
•paghindi completo ang sagot report
•pagdi maayos ang sagot report
•dapat tama‚maayos‚ at complete answer
brainliest answer ko ang maka sagot ng maayos. tama at complete answer
Share
Answer:
1.Kulungan/ Bilangguan
2.Namatay
3.Pinagaling o hinilom/ ginamot
4.Kilabot/Nakakatakot na pangyayari
5.Nilalakad/ tinatahak