a. Alamin mo kung ano talaga ang iyong nais. b. Ipakita ang tunay na ikaw. c. Panatilihing bukas ang komunikasyon. d. Tanggapin ang kapwa at kaniyang tunay na pagkatao. e. Panatilihin ang tiwala sa isa't isa. f. Maglaro at maglibang. g. Mahalin mo ang iyong sarili. 2. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki. Ang mga nagdadalaga o nagbibinata ay bumubuo ng kanilang sariling kahulugan ng pagiging lalaki o babae. Ngunit hindi pa rin naiaalis na ibatay ito sa nakagisnang kultura. Halimbawa, ang lalaki ay malakas, matapang at ang babae naman ay mahina, palaasa. Ang kanilang pagkakaibang biyolohikal ang nagtutulak upang magkaroon ng ganitong pananaw. Ngunit hindi nararapat na lagyan ng hangganan ang kakayahan ng bawat isa batay lamang sa kaniyang katangiang biyolohikal Sa tulong at paggabay ng mga nakatatanda, kailangang mabigyan ng pagkakataon ang bawat isa na hubugin ang kanilang mga papel sa lipunan bilang lalaki at babae. Halimbawa, kailangan na turuan ang mga lalaki na ipakita ang kanilang tunay na damdamin. Umiyak sila kung kinakailangan sa panahon ng labis na kalungkutan. Kailangang salungatin ang paniniwalang ang umiiyak na lalaki ay labis na mahina.
Share
Answer:
Oo mahina dahil masmasakit yong sa babae