A. Basahin ang mga tanong. Isulat ang Oo kung ginagawa mo ang mga ito at Hindi kung hindi mo ginagawa.
1. Sinisikap mo bang tuparin ang iyong pangako na magsimba at magdasal sa takdang oras at araw?
2. Nagbabayad ka ba ng utang sa ipinangako mong oras at araw?
3. Sinasabi mo ba ang totoo kahit alam mong nababahala ang iyong kaibigan?
4. Nangungutang ka ba ng pera sa ibang tao kahit alam mong wala kang pambayad?
5. Tinutupad mo ba ang pangako mo na hindi mahuhuli sa itinakdang usapang pagkikita?
6. Nagsasabi ka ba ng mga salitang makakaapekto sa miyembro ng pamilya mo?
7. Matatag ka ba sa iyong paninindigan na maging responsable at produktibo? 8. Ginagawa mo ba ang lahat upang matupad ang bawat ipinangako mo? 9. Tinutupad mo ba ang anumang pinagkasunduan sa tahanan, paaralan at komunidad?
10. Isinasakatuparan mo ba ang iyong tungkulin bilang isang mamamayang Pilipino na pangalagaan ang ating kapaligiran?
Share
Answer: