A BC Pagyamanin Kaya mo pa ba kaibigan? Oo naman, alam kong kayang kaya mo pa. Ngayon naman ay basahin at unawain mong mabuti ang mga sitwasyon sa ibaba at ibigay mo ang paksa ng bawat bilang gamit ang wastong baybay nito. 1. Naiiba ang paglangoy ng balyena sa karaniwang isda. Habang lumalangoy, pinagagalaw ng karaniwang isda ang magkabilang panig ng sariling buntot. Baba-taas naman ang buntot ng balyena habang lumalangoy. Kung bumibilis ang paglangoy ng balyena, doble rin ang bilis ng baba-taas ng buntot nito sa loob lamang ng isang segundo. Ang palikpik nito ay nakalaan para sa pag-ikot at paninimbang, hindi para sa mabilis na paglangoy. - "Whales", Two-Can Pub. Ltd., 1991 2. Ang pagtuturo ay isang di-matutularang propesyon. Ito ay nangangailangan ng walang katapusang tiyaga. Binubuhos ng isang guro ang halos lahat ng kanyang oras upang pag-aralan ang mga bagay na nais niyang ituro. 3. Kinakailangan din niyang pag-aralan ang mga diskarteng gagamitin niya upang maintindihang maigi ng mga mag-aaral ang paksa. Bukod dito, kinakailangan din niyang makitungong mabuti sa mga mag-aaral, mga magulang at mga mga kapwa guro. Kaya nararapat lamang na sila'y igalang at pasalamatan sa lahat ng pagkakataon. 4. Lino : Panalo si Marco sa Timpalak-Bigkasan. Nestor: Oo, binigyan nga siya ng isang malaking tropeyo Lino : Tama si G, Santos. Mahusay nga siyang mag-aaral. Nestor: Kaya nga gusto kong maging tulad niya.
Share
Answer:
ang haba maduduling na ako grabe to