A. bilang isang mag-aaral sa lungsod ng caloocan paano mapapanatili ang ligtas na kalusugan sa panahon ng krisis
Mga Panuntunan sa Pagsulat
1. Nakasulat ng talataang binubuo nang Hindi kukulangin sa Limang Pangungusap.
2. Nakagagamit ng mga salitang Una, sa umpisa noong Una, unang-una, ikalawa, ikatlo, sumunod, pagkatapos, saka, sa dakong huli, sa huli, wakas, bukod dito, muli, at samantala, sa kabilang banda, pagkatapos ng lahat, lahat at iba pa.
3. Nakapili ng mga angkop na salita sa mga pagpapahayag.
kailangan ko na to plssssss..
Share
Answer:
Bilang isang mag-aaral ng lungsod ng Caloocan, kinakailangan kong panatilihing ligtas ang aking kalusugan, sa pamamaraang:
Una, palakasin ang kalusugan, kumain ng masusustansyang pagkain, iwasan ang masasamang gawi, at ugaliing mag-ehersisyo. Ikalawa, ugaliing maghugas ng kamay gamit ang simpleng sabon at tubig. Tiyakin din na iwasang hawakan ang mukha. Ikatlo, kapag uubo o babahing, takpan ang ilong gamit ang braso o tisyu o kahit anong pampunas. Ikaapat, magsuot ng face mask at face shield sa tuwing lalabas. At kung nasa labas naman, tiyaking nasusunod ang social distancing, isang metro ang layo o isang upuan ang pagitan. At panghuli, kung hindi naman kinakailangan lumabas ng bahay ay manatili na lamang sa loob at libangin ang sarili. At saka, kung ikaw ay nasa tamang edad na at may pahintulot ng magulang, maaari ka ng magpabakuna para tiyak na makaiiwas sa sakit.
Explanation:
Hope it helps!