A. GAWAIN 1
Panuto: Kilalanin ang katangian ng mga uri ng panitikang Filipino. Isulat ang A kung ang pahayag ay katangian ng alamat, M kung mitolohiya, MK kung maikling kwento at K kung kwentong-bayan.
______1. Isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
______2. Maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan.
______3. May iisang kakintalan o impresyon lamang.
______4. Kuwentong nagpasalin-salin na sa dila mula sa katutubo hanggang sa kasalukuyan.
______5. Tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga diyos.
______6. Mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan.
______7. Nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan.
______8. Nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan.
______9. Nakikilala rin bilang Foklore.
______10. Panumbas ng salitang Legend sa Ingles.
Share
2 Replies