Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang bago ang bilang.
_______21. Bunga ng Kristiyanismo, naging ugali ang mga ito ng mga Pilipino maliban
sa ________.
A, pag-aasawa ng isa
B. pag-inom ng alak
C. pagkakapantay-pantay
D. pagkakawang-gawa sa kapwa at simbahan
______22. Ilang halaga ang tributo o buwis ng pagkamamamayan bago ang taong 1851 ?
a. walong reales o produktong kasinghalaga nito
b, sampung reales o produktong kasinghalaga nito
c, labindalawang reales o produktong kaslnghalaga nito
d, labing-apat na reales o produktong kasinghalaga nito
_____23. Ang pangunahing naging epekto ng •sistemang encomienda sa pamumuhay ng mga
Pilipino ay ang _______
a, pagpapatupad ng paniningil ng buwis sa mga mamamayan
b, pagsapi ng mamamayang Pilipino sa samahan ng mga encomendero
c, pagkakaroon ng malalim na kaalaman at kasanayan sa pagsasaka di pagkakaroon ng
trabaho ng maramlng Pilipino
d. bago ang patakarang ito sa pamumuhay ng mga Pilipino
______24. Ano ang tunay na dahilan ng pagkagalit ng mga Pilipino sa paniningil ng buwis?
a, ang pang-aabuso ng mga nangongolekta nito
b, bago ang patakarang ito sa pamumuhay ng mga Pilipino
c. hindi magandang layunin sa paniningil nito
d, mataas na halaga nito
______25. Ano ang pinatutunayan ng isang tao kung kukuha ng Cedula personal sa panahon ng
Espanyol?
a, pagiging mayaman ng isang mamamayan
b. pagkallgtas sa sapilitang paggawa
c, pagtanggap sa kapangyarihan ng Espanya sa bansa
d, pagtutol sa mga patakaran ng pamahalaang Espanyol
_____26. Ang kautusan ng pamahalaang Espanyol sa pagmamay-ari ng lupa ay nagbigay-daan
sa ______.
a. pagdami ng buwis na nakolekta ng mga Espanyol
b, pagiging higit na matatag ng pagmamay-ari ng mga Pilipinó sa lupa
c, pagkamkam ng pamahalaang Espanyol sa mga lupang hindi naiparehistro ng mga
Pilipino
d, pagyaman ng mga Pilipinong nakapagparehistro ng lupa
_____27. Ang isang Pilipino ay maaring makaligtas sa sapilitang paggawa kung_____
a. siya ay magbabayad ng multa o fala
b, siya ay miyembro ng principalla
c. siya ay pinuno o may kapangyarihan sa pamahalaan
d. siya ay may kakayahang magtrabaho at maglingkod sa mga pagawaan ng
pamahalaang Espanyol
_____28. Ang lahat ay masamang bunga ng polo y servicios maliban sa isa
a, pagkakaroonng malaking kíta ng mga polista
b, pagkakasakit at pagkamatay ng ilang polista
c, pagkawalay sa pamilya
d, pagpapabaya sa sariling pangkabuhayan
______29. Ang mga sumusunod ay ang mga patakarang ipinatupad ng mga Espanyol na dapat
sundin ng mga Pilipino na nakapaloob sa sistemang banda/a maliban sa ________
a. pagtatakda sa bawat lalawigan ng tiyak na dami ng mga produktong ipagbibi!i sa
pamahalaan
b. pagbili ng pamahalaan sa mga produkto sa murang halaga
c, pagbili ng mga produkto sa ibang lugar ng mga mamamayang Pilipino upang mabuo
ang kanilang kota kapag nasira ang mga pananim
d, pagiging ligtas sa bandala kapag nakabayad ng falla
______30. Ang mga sumusunod ay ang mga patakarang ipinatupad ng mga Espanyol na dapat
sundin ng mga Pilipino na nakapaloob sa sistemang kasamä maliban sa ________
a. pangungupahan ng mga magsasaka sa kanilang lupang sakahan
b, pagpaparehistro ng mga lupain sa pamahalaan ng lahat ng nagmamay-ari ng lupa
c, pagiging haciendero ng mga Pilipinong may-ari ng malalaking sakahan
d, pangungutang nang sapilitan ng puhunan ng mga may-ari ng lupa sa pamahalaang
Espanyol
Share
Answer:
21b
22c
23a
24a
25d
26b
27a
28a
29d
30c
23