A. Panuto: Basahin ang mga tanong at hanapin ang sagot na nasa kahon at isulat sa patlang.
Tayutay Simili Metapora Personipikasyon Pagmamalabis Paghahalintulad
Ironiya Eupemismo Panawagan Pagpapalit-tawag Pagpapalit-saklaw
_______________1. Ito ay isang salita o parirala na ginagamit upang lumikha ng mas malalim at mas makulay na kahulugan.
_______________2. Ito ay pagtutulad ng isang bagay sa isa pang bagay gamit ang mga salitang tulad ng, gaya ng, animo’y at iba pa.
_______________3. Ito ay uri ng tayutay na tuwirang paghahambing ng dalawang magkaibang bagay.
_______________4. Ito ay uri ng tayutay na nagbibigay ng mga katangiang pantao sa mga bagay na walang buhay o hindi tao.
_______________5. Ito ay isang pahayag na palabis ang paglalarawan sa isang bagay o pangyayari upang bigyan ito ng diin.
_______________6. Ito ay tuwirang paghahambing o pagtutulad sa mga ugnayan at relasyon ng inihahambing.
_______________7. Ito ay isang pahayag na kung saan ang kahulugan ay kabaliktaran nito.
_______________8. Ito ay isang pahayag na ginagamitan ng malumanay at magagandang salita upang tukuyin ang isang salitang masakit sa pandinig o hindi magandang pakinggan.
_______________9. Ito ay pakikipag-usap sa isang bagay o tao na tila kaharap ng nagsasalita ang kanyang kausap subalit wala naman.
_______________10. Ito ay pagpapahayag sa pamamagitan ng paggamit ng isang salitang may kaugnayan o naglalarawan sa tinutukoy.
Share
Answer:
1. Tayutay
2. Simili
3. Metapora
4. Personipikasyon
5. Pagmamalabis
6. Paghahalintulad
7. Ironiya
8. Eupemismo
9. Pagpapalit-tawag
10. Pagpapalit-saklaw
nakasisiguro po akong tama lahat ng yan :)