A. Panuto: Sa paglaganap ng Covid-19 sa bansa maraming hanapbuhay ang sobrang naapektuhan. Naging dahilan ito ng pagkahinto sa trabaho ng ilang kababayan at lalo pa nitong pinahirap ang pamumuhay. Sumulat ng 5 pangungusap na ginagamitan ng ekspresyong nagsasaad ng opinyon o pananaw hinggil sa mga nakalahad na sitwasyon base sa inyong nasaliksik sa mga ulat na napanood o narinig sa radyo.
1. Kawalan ng trabaho dahil sa pandemya
2. Pamamahagi ng tulong ng pamahalaan sa mga apektado ng Pandemya
3. Pananatli ng mga tao sa loob ng bahay
4. Pagpapaigting sa mga panuntunan
5. Pagdarasal nang taimtim sa Panginoon.
Share
Verified answer
1. Kawalan ng trabaho dahil sa pandemya
Sa tingin ko ang pagsasara ng maraming negosyo ang naging dahilan ng pagkawala ng mga trabaho ng ilang Pilipino.
2. Pamamahagi ng tulong ng pamahalaan sa mga apektado ng Pandemya
Sa palagay ko, mas maraming Pilipino ang mas lalong nangailangan ng tulong at pawang kulang ang mga ibinibigay ng pamahalaan.
3. Pananatili ng mga tao sa loob ng bahay
Sa aking pananaw, mas maraming Pilipino ang mas pinipili ang manatili sa bahay lalo na kung nagkakaroon ng mataas na community quarantine.
4. Pagpapaigting sa mga panuntunan
Sa paniniwala ko, mas lalong nagluluwag ng mga panuntunan ang pamahalaan dahil sa pagsasara ng mga negosyo at pagtaas ng bilang ng mga taong nawalan ng trabaho.
5. Pagdarasal nang taimtim sa Panginoon.
Para sa akin, mas maraming Pilipino ang lumakas ang pananampalatay sa Panginoon dulot ng pandemya at sunud-sunod na pagkamatay ng mga malalapit na tao sa buhay.
Mga ekspresiyong nagpapahayag ng pananaw. Kabilang dito ang: ayon, batay, para, sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/pananaw/akala ko, ni/ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresiyong ito ang iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng isang tao.
Halimbawa:
Ayon, Batay, Sang-ayon sa
Sang-ayon sa Memorandum Order No. 20: Series of 2013 ng Commission On Higher Education na pinagtitibay ang pagkawala ng Filipino bilang isa sa mga asignatura sa ilalim ng General Education Curriculum o CEG sa taong 2016.
Sa paniniwala, akala, pananaw, paningin, tingin, palagay, ni/ng
Sa paniniwala ko ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.
Inaakala, Pinaniniwalaan, Iniisip
Pinaniniwalaan kong dapat pagtuunan ng pamahalaan ang isyu tungkol sa lumalalang kalagayan ng ating kalikasan.
Sa ganang akin, Sa tingin, Akala, Palagay ko
Sa ganang akin, kailangang dagdagan pa ng mga pamahalaang lokal ang pagbabantay sa kabataang nasa lansangan tuwing hatinggabi dahil sa lumalalang krimen.
Dagdag na kaalaman tungkol sa mga ekspresiyong nagpapahayag ng pananaw: brainly.ph/question/160647
#BRAINLYFAST