A. Panuto: Suriin ang pinanood mong pelikula na pinamamagatang "Anak"
Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang salitang Tama kung ang
pahayag ay wasto at Mali kung hindi, Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.
1. Masasabing makatotohanan ang naging pagganap ng mga tauhan
kung naipahayag nila ang emosyon, kilos at pagsasalita ng tauhang kanilang
ginagampanan.
2. Hindi mabisa ang isang pelikula kung iba't ibang mensahe ang
nakuha ng manonood sa kanilang napanood.
3. Sa pamagat pa lamang ay nagkakaroon ka na ng ideya kung ano ang
paksa ng pelikula na siyang humihikayat sa manonood.
4. Maituturing na pinakapundasyon sa pagsusuri ng isang pelikula ang
tema. Ito ang nagsasaad ng pinakapaksa ng pelikula.
5. Ang mga gumaganap ng iba't ibang katauhan o karakter sa pelikula
ay dapat tao lamang.
Share
Answer:
1.Tama
2.Mali
3.Tama
4.Tama
5.Mali