a patlang kung anung uri ng panghalip upang mabuo ang ba ngusap 1. Narito sa kamaynilaan ang ibang ahensyang mangalaga sa mga ibon 2. Ganoon ang nangyayari sa mga mamamayan marunong magmahal sa ating kalikasan 3. Bilang na lamang ang dami ng mga agila nito bansa 4. Sa usaping iyan, kailangan ang pakikiisa ng pangangalaga ng kalikasan 5. Ito ang mahalagang maiaambang natin sa pangangalaga ng kalikasan
Share
Answer:
1. Narito - Panghalip na Pamatlig
2. Ganoon - Panghalip na Pamatlig
3. Ng - Panghalip na Pamanggit
4. Iyan - Panghalip na Pamatlig
5. Ito - Panghalip na Pamatlig
Explanation:
Isa sa mga bahagi ng pananalita ay ang panghalip o sa Ingles ay pronoun. Ito ay ginagamit panghalili or pamalit sa ngalan ng tao, bagay, pook, o pangyayari.
Ang limang(5) uri ng panghalip ay panghalip na panao, pamatlig, pananong, panaklaw, at pamanggit.
Ang panghalip na panao ay mga panghalip na ginagamit panghalili sa ngalan ng tao. Sa Ingles, ito ay ang personal pronoun.
Mga Halimbawa:
Ako
Ikaw
Tayo
Sila
Kami
Si Lorenzo at Fidel ay papunta sa parke.
Sila ay papunta sa parke
Ang magsasaka na ang bahala diyan.
Siya na ang bahala diyan.
Panghalip na Pamatlig
Ang panghalip na pamatlig ay ginagamit panturo. Sa asignaturang Ingles, ito ay itinatawag na demonstrative pronoun.
Mga Halimbawa:
Ito
Iyan
Ganito
Iyon
Doon
Kunin mo ang pitaka (nasa ibabaw ng mesa).
Kunin mo iyan.
Tupiin mo bago mo ipasok sa kabinet.
Ganito ang gawin mo bago mo ipasok sa kabinet.
Panghalip na Pananong
Ang panghalip na pananong ay ginagamit sa pagtatanong tungkol sa tao, pook, pangyayari, bagay, etc. Tinatawag itong interrogative pronoun sa Ingles.
Mga Halimbawa:
Sino
Alin
Kanino
Anu-ano
Sinu-sino
Kanino mo ibibigay ang pera?
Sinu-sino ang pupunta mamaya?
Panghalip na Panaklaw
Ang panghalip na panaklaw ay tinatawag na indefinite pronoun sa Ingles. Ito ay nagsasaad ng dami o bilang ng tao o bagay na nasasaklaw ng kilos.
Mga Halimbawa:
Lahat
Alinman
Sinuman
Ni-isa
Madla
Lahat ay manonood ng sine bukas.
Sinuman sa kanila ay karapat-dapat na manalo.
Panghalip na Pamanggit
Ang panghalip na pamanggit ay ginagamit bilang tagapag-ugnay ng dalawang pananalita. Sa Ingles, ito ay itinatawag na relative pronoun.
Mga Halimbawa:
na
ng
Ang babae na nanalo ay sa barangay namin nakatira.
Ang paa ng kalabaw ay malalaki.
# Carry On Learning ❣️
# Carry On Learning ❣️"Pa-brainliest po, Thanks po "