Abril 27, 2020 Ang araw na ito ay espesyal. Ito kasi ang araw ng aking pagsilang. Ang araw na ipinagpapasalamat ko sa Panginoon dahil binigyan niya ako ng buhay. Kaya naman, naging ugali ko na ang magsimba tuwing sasapit ang araw na ito. Dati rati, maaga palang, abalang-abala na ang nanay ko sa paghahanda ng iba't ibang masasarap na putahe. Dati rati, mag- iimbita ako ng mga kaklase ko sa hapon upang ipagdiwang ang mahalagang araw na ito. Subalit ngayon, ikalabing-isang taon ng aking pagsilang, ibang-iba sa araw na nakasanayan ko. Walang bisita, walang masasarap na pagkain at wala ang mga kaibigan ko. Bagama't nagpasalamat ako sa Panginoon sa biyaya ng buhay na ibinigay niya sa akin, di pa rin ito kompleto dahil hindi ako nakapasok sa simbahan dahil bawal akong lumabas. Nang dahil sa pandemyang dulot ng Covid 19, naiba ang pagdiriwang sa araw na ito. Gayunpaman, nais ko pa ring batiin ang aking sarili-Maligayang kaarawan Ana -sa akin... Melinda Lourdes C. Amoyo, Sabang Central Elem. School, Borongan City Division, DepEd Region VIII Mga tanong: 1. Sino ang sumulat ng talaarawan? 2. Bakit espesyal ang araw na iyon? 3. Ano ang ipinagkaiba ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan sa taong ito sa mga nakaraang pagdiriwang? 4. Paano naiba ang pagdiwang ng kaarawan niya ngayon sa kaarawan niya noon? 5. Anong naramdaman mo habang binabasa ang ikatlong talata? Bakit?
Share
Answer:
1. Melinda Lourdes C. Amoyo
2. Dahil kaarawan niya.
3. walang bisita, walang masasarap na handa at wala ang kanyang mga bisita.
4. naiba ang pagdiwang niya ngayon dahil walang bisita at walang masasarap na handa dahil sa covid 19 dahil bawal ang lumabas.
5. nalungkot sapagkat ang dating masagabong handaan ay naging simple nalamang.
Explanation:
sana makatulong
Answer:
3 dahil walang bisita at walang handa