aderno Minsan, Nagalit ang llog Tuwang-tuwa ang buong baryo. Nalalapit na naman ang pagdiriwang ng kanilang kapistahan. Tulad ng dati, tatlong na namang ipagdiriwang ang kaarawan ng kanilang patrong Nuestra Señora de Buenviaje. Gaya ng inaasahan, walang tigil na pagsasaya ang magaganap sa buong baryo sa tatlong araw na pagdiriwang. Walang tigil ang handaang para sa lahat. Bawat tahanan, mayaman man o dukkha ay tiyak na may handa. "Walang saysay ang tatlong araw na pagdiriwang kung walang pagodang igagayak," ang sabi ng Kapitan ng Barangay. "Naging tradisyon na sa ating baryo na ilibot ang patron, sakay ng bangkang napapalamutian ng iba't ibang kulay ng mga ilaw at ng sari-saring dekorasyon tulad ng mga prutas at gulay na inani natin taon-taon," dagdag pa ng Kapitan. "Ang ibig ninyong sabihin, Kapitan, muling magkakaroon ng prusisyon sa ilog?" ang tanong ng isang lalaking may maputi nang buhok. "Talaga namang iyan ang ginagawa natin taon-taon, di ba?" ang balik na tanong ng Kapitan. "Napakaraming biyaya ang ipinagkaloob sa atin ng ating patron sa taong ito. Higit sa tatlong doble ang inani nating palay kung ihahambing sa mga nakaraang taon. At higit na maraming isda tayong nahuli sa taong ito," paliwanag nito. "Ngunit, Kapitan, napakarumi ng ilog. Kailangang malinis muna natin ito. Tambakan na ng basura ang ilog natin," ang malungkot na sabi ng isang dalaga. "hayaan mo't bukas na bukas din ay ipalilinis ko ang ilog. May tatlong araw pa bago dumating ang masayang araw na ating pinakahihintay. Ang ilog
Share
Answer:
ndi ko masasagot Ang Rami kasi ehhh