Akda:
Ako ang planetang Daigdig. Totoong ako ay maysakit. Simula pa lamang noong 1860 nag-umpisa nang tumaas ang aking temperatura. At hanggang ngayon, nararanasan ninyo ito at tinatawag itong global warming.
Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon ng global warming. Isa na rito ang mga pagsunog ng mga petrolyong langis o fossil fuels upang makagawa ng koryente. Ang pagtaas ng lebel ng methane mula sa mga palayan ay isa ring itinuturing na dahilan. Ang usok mula sa mga sasakyan, eroplano, o sa paggawa ng mga gusali ay nakadaragdag din. Kapag nagkakaroon ng trapik, naaaksaya ang gasolina.
Isa ring nakadaragdag sa pag-init ng mundo ay ang pagsunog ng mga puno at pagputol sa mga sanga nito. Ito ay responsable sa 25 porsiyento ng pag-init ng mundo.
maiindi na ang epektong dala ng global warming. Nararanasan na ninyo ang pagbago-bago ng klima, pagbabago sa dami ng pag-ulan, paglakas ng mga bagyo, at pagkalat ng mga sakit kagaya ng dengue at malaria. Sa ibang bahagi naman, natutunaw ang yelo sa Hilaga ng Timog ng bahagi ng mundo, lumalakas ang nga buhawi, tumataas ang lebel ng dagat at bumababa ang lebel ng oxygen.
Kung maaari sana, gumawa kayo ng paraan bago maging huli ang lahat.
Share
Answer:
1.
a.kapabayaan ng mga tao
2.
a.magkakasakit ang mga tao
Explanation: