Alam mo ba? Ang alamat ay naging tampok na bahagi ng ating panitikan mula pa noon hanggang ngayon. Tinangkilik ito ng mga tao kaya't patuloy na lumaganap, kahit noong panahong ito'y hindi pa nasusulat at nagpapasalin-salin lamang sa bibig ng mga tao. Ngunit, hindi rin maikakaila na sa kasalukuyang panahon o henerasyon ay paunti ng paunti ang nagbabasa sa mga alamat marahil dahil sa mga laganap na bagong libangin ng mga kabataan. Subalit, huwag sana nating hayaan na tuluyang makalimutan ang ating panitikan na tulad ng alamat, Sa iyong palagay, ano ang magagawa mo upang patuloy itong manatili hanggang sa susunod na henerasyon? Sagutin mo ito sa nakalaang gawain para dito. Basahing mabuti ang panuto. Panuto: Maglahat ng tatlong kongkretong hakbang na maaaring gawin ng isang mag-aaral na tulad mo upang lalo pang mapalaganap at tangkilikin ng mga tao ang nga alamat lalo na ang mga kabataan. Gawin ito sa iyong sagutang papel. 1.__________________________ 2.__________________________ 3.__________________________
Share
0 Replies