ALAMAT NG PAGONG
Muling Isinalaysay ni Boots Agbayani-Pastor
Noong unang panahon sa isang bayan na wala nang nakakaalala, may isang mabait na
binatàng nagngangalang Paco.
Si Paco ay isang magaling na karpintero.
Sa dulo ng nayon, malapit sa gubat, mag-isang nakatirá si Paco. Sa paanan ng bundok ay
nakatirá ang isang grupo ng mga katutubo. Matagal nang kaibigan ni Paco ang mga katutubo. Si
Paco ang tumutulong sa mga ito sa pagtatayó ng mga bahay.
Ang mga bahay ay mabababàng kubo. Ang bawat kubo ay may apat na poste na gáling sa
mga punò ng kamagong. Ang mga dingding ay yari sa nilaláng kawayan, ang sahig ay tabla, at ang
bubong ay pawid na korteng batingaw.
Bilang ganti sa kabutihang-loob ni Paco, binibigyan ng mga katutubo ang binatà ng
sari-saring prutas at gulay,. manok at itlog. panggatong, mga nilaláng basket at hinabing tela.
Ang mga natatanggap ni Paco mula sa mga katutubo ay itinitinda niya sa palengke sa
bayan.
Kayà pag-uwi sa bahay ay maraming dalang pera si Paco.
lan sa mga kalalakihan sa nayon ay naghinala. Tiyok na marami nong pera si Paco.
Nagbalak silang pagnakawan si Paco. Kayå isang araw, habang wala sa bahay si Paco, hinalughog
ng tatlong magnanakaw ang buong kabahayan. Ngunit ni isang kusing ay wala silang nakita.
Nagpasya ang mga magnanakaw na tanungin ang mga katutubo kung saan itinatago ni
Paco ang pera. Pinuntahan nila ang lugar ng mga katutubo. Ngunit wala ni isa sa mga katutubo
ang naglakas-loob na magsalita.
Sa galit ay sinunog ng mga magnanakaw ang mga kubo.
Dumating ang iláng katutubo kasáma si Paco, gáling sa pagtatanim ng punla ng
kamagong sa gubat. Agad kinaladkad ng mga magnanakaw si Paco sa karatig na gubat. Pinilit
nilang magtapat ang binatà kung saan nito itinatago ang pera. Nang hindi magsalita si Paco ay
tinaga nila ito nang tinaga ng kanilang mga itak.
Saka lámang nagsalita si Paco habang nag-aagaw-búhay. "Sana... ang alaala ng mga
bahay na sinunog n'yo ay dalhin n'yo saanman kayo magpunta bilang parusa sa inyo habang
kayo'y nabubúhay. At sana, maging mohaba ang mgo búhay n'yo...
Agad nagdilim ang kalangitan. Kumidlat at kumulog. Bumuhos ang malakas na ulan.
Nayanig ang lupa. Ang tubig sa ilog ay umapaw, pasalakay sa buong nayon.
Ang mga katutubo ay lumikas sa ituktok ng bundok, na kinaroroonan ng malaking gong
Tinawag nila ang Bathala ng Katarungan upang iligtas sila.
"Patunugin ang gong upang marinig ng mga tagapatag, nang sa gayon ay makalikas sila!"
Kinabukásan ay unti-unting bumaba ang baha. Pinatunog uli ang gong, hudyat na maaari
nang bumabå sa nayon ang mga táong lumikas sa bundok.
Anupa't habang sinasamsam nila ang mga ari-ariang nakalutang sa tubig ay nakita ng
mga tao ang tatlong kakatwang hayop na umaahon mula sa tubig at nagsisimulang gumapang sa
lupa.
Ang hayop ay may apat na paang pasikad kung ilakad, maikling buntot, mahabang leeg at
ulong sapád na nahihila paloob sa tila batingaw na talukab sa likod nito.
Tinanggap ng mga taganayon at ng mga katutubo ang katotohanang nasawi sa baha ang
iláng kababayan nila, kasáma na si Paco.
Ang mga kakatwang hayop na nagsimulang manirahan sa katihán, na tila hirap sa
paggapang dahil sa dala-dalang mga bahay habang naghahanap ng makakain, ay tinawag ng mga
taganayon na...
Pagong... mula sa pinagsámang unang kataga ng pangalan ng mabait na binatàng
tagagawa ng mga bahay ng mga katutubo at ng salitang "gong."
PANUTO: Mula sa mga aral at kaalamang nakuha sa alamat at epiko na napag-aralan
mo sa mga mga naunang modyul, bumuo ka ng mga pangungusap gamit ang mga
hudyat ng sanhi at bunga na makikita sa bawat bilang.
Batay sa Alamat ng Pagong
1. Sapagkat si Paco ay_____________
2. Dahilan dito siya ay____________
3. Bunga nito, ang mga katutubo ay____________
Batay sa Epikong Tuwaang
1. Palibhasa ay likas na kay Tuwaang ang pagiging matapang____________
2. Kaya naman ang Binata ng Sakadna ay_____________
PAKISAGOT PO NG MAAYOS
THANK YOU PO IN ADVANCED
Share
Answer:
9 1. Higit kasi pang matindi sa lahat ang pagkayamot ng mga magpipitong taon. 2. Para kay Lea, maruming tingnan ang batang naka make-up. 3. Kung mananatili siyang ligtas sa mundo ng isang musmos. Kung hindi siya wawasakin ng mga kawalang-katiyakan. 4. Hindi siguro akalain ni Ding, pero pinakamasigabo ang palakpakan ng tao kay Maya. 5. Ang lahat ng bata'y kailangang bigyan ng pagkakataong maging tao.
Explanation:
9 1. Higit kasi pang matindi sa lahat ang pagkayamot ng mga magpipitong taon. 2. Para kay Lea, maruming tingnan ang batang naka make-up. 3. Kung mananatili siyang ligtas sa mundo ng isang musmos. Kung hindi siya wawasakin ng mga kawalang-katiyakan. 4. Hindi siguro akalain ni Ding, pero pinakamasigabo ang palakpakan ng tao kay Maya. 5. Ang lahat ng bata'y kailangang bigyan ng pagkakataong maging tao.
p
hi guysslowbanhahahjrsjcskakcde