Alamat Ng Paru-Paro
Noong unang panahon ay may magkapatid na ulila na naninirahan sa isang ilang na baryo sa
Laguna. Ito ay sina Amparo na ang palayaw ay Paro, samantalang ang nakababata naman ay si
Perla na pawang sumisibol na dalagita. Pagtitinda ng bulaklak ang kanilang ikinabubuhay.
Magkaiba ang ugali nila, si Amparo ay tamad at walang kinagigiliwang gawin kundi ang lumapit
sa mga bulaklak at amuyin ito. Samantalang si Perla naman ay masipag at masinop sa kabuhayan.
Likas na mabait si Perla, pasensiya na lamang ang kaniyang ibinibigay sa kapatid na si Amparo na
ubod ng tamad.
Ngunit isang araw ay naubos na ang pasensiya ni Perla at nagalit kay Amparo na laging
nagrereklamo sa kanilang ulam. Galit din na sumagot si Amparo “Anong gusto mo alilain ako at
busabusin? Ako ang masusunod dahil ako ang nakakatanda.” Sabay nanaog at pumitas ng
halaman sa hardin at nagtuloy sa ilog upang pagmasdan ang bulaklak sa kanyang buhok.
Pagdukwang niya ay tuloy-tuloy siyang nahulog sa ilog. Sa pag-aalala para sa kapatid ay sumunod
si Perla at kitang-kita niya nang mahulog si Paro sa ilog. Sumigaw ng malakas si Perla “Paro! Paro!",
marami ang nakarinig at tinulungan siya ngunit walang Amparo silang nakita.
Habang balisang nagmamasid ang mga tao sa ilog, ay may isang bulaklak ang lumutang sa
kinahulugan ni Amparo at unti-unti itong gumalaw, dahan-dahang nawala ang hugis bulaklak nito
at unti-unting umusbong ang pakpak na may iba’t-ibang kulay. Walang ano-ano ay lumipad at
nakita ni Perla na pumunta ito sa halamanan at nagpalipat lipat sa mga bulaklak. Kinutuban si Perla
at nasambit niya ang katagang “Paro! Paro!". Simula noon, ang maganda at makulay na munting
nilikha ay tinawag ng mga tao na PARU-PARO.
_____ 1.Alin sa mga sumusunod ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
sa ibaba batay sa nabasang alamat?
I. Hindi nakapagtimpi si Perla sa kapatid dahil nagrereklamo palagi sa ulam
kaya napagalitan niya ito.
II. May magkapatid na ulila na naninirahan sa isang ilang na baryo sa Laguna.
Ito ay sina Amparo na ang palayaw ay Paro, samantalang ang
nakababata naman ay si Perla na pawang sumisibol na dalagita.
III. Nagpalipat-lipat ito sa mga bulaklak kaya ang alam ni Perla ang lumabas na
iyon ay si Amparo.Tinawag niya itong Paro!Paro! Kaya mula noon ang
tawag dito ay paro-paro.
IV. Sabay nanaog at pumitas ng halaman sa hardin at nagtuloy sa ilog upang
pagmasdan ang bulaklak sa kanyang buhok. Pagdukwang niya ay tuloy-
tuloy siyang nahulog sa ilog.
V. Sa lugar na kung saan nahulog si Amparo ay may lumabas na isang insekto
na may pakpak.
VI. Sinundan ni Perla ang kapatid dahil sap ag-aalala kay Amparo pero wala
siyang nakita kahit anino ng kapatid.
A. I,IV,VI,V,III,II C. I, VI, IV,II, V,III
B. II,I,IV,VI, V, III D. II, IV,VI,V,I,III
Share
Tanong:
Alin sa mga sumusunod ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa ibaba batay sa nabasang alamat?
Sagot:
B. II, I, IV, VI, V, III
Explanation:
II. May magkapatid na ulila na naninirahan sa isang ilang na baryo sa Laguna. Ito ay sina Amparo na ang palayaw ay Paro, samantalang ang nakababata naman ay si Perla na pawang sumisibol na dalagita.
I. Hindi nakapagtimpi si Perla sa kapatid dahil nagrereklamo palagi sa ulam kaya napagalitan niya ito.
IV. Sabay nanaog at pumitas ng halaman sa hardin at nagtuloy sa ilog upang pagmasdan ang bulaklak sa kanyang buhok. Pagdukwang niya ay tuloy-tuloy siyang nahulog sa ilog.
Vl. Sinundan ni Perla ang kapatid dahil sap pag-aalala kay Amparo pero wala siyang nakita kahit anino ng kapatid.
V. Sa lugar na kung saan nahulog si Amparo ay may lumabas na isang insekto na may pakpak.
III. Nagpalipat-lipat ito sa mga bulaklak kaya ang alam ni Perla ang lumabas na iyon ay si Amparo.Tinawag niya itong Paro!Paro! Kaya mula noon ang tawag dito ay paro-paro.
#CarryOnLearning
Answer:letter B
po ang answer
Explanation:hope it helps ,pa brainliest po