Alamin ang bahagi ng maikling kwento sa
pamamagitan ng pagtatapat ng bahagi ng kwento sa Hanay A at paglalarawan
sa Hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.
HANAY A
1. Panimula
2. Saglit na Kasing lahan
3. Kasukdulan
4. Kakalasan o
papababang aksyon
5. Wakas
6. Suliranin
7. Tunggalian
8. Tagpuan
9. Paksang Diwa
10. Kaisipan
11. Banghay
HANAY B
A. Bahagi na siyang guguhitan ng mga pangyayari sa
kuwento.
B. Nagsasaad ng pinakamasidhing kawilihan.
C. Naglalarawan ng simula patungo sa paglalahad ng
unang suliraning inihahanap ng lunas.
D. May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili,
tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o
kalikasan.
E. Magliliwanag sa mga komplikasyong nalikha sa unang
bahagi ng kuwento at magpapatuloy ang paglutas ng
problema ng pangunahing tauhan.
F. Ang huling bahagi o ang kahihinatnan ng kuwento.
G. Ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga
insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap
ang kuwento.
H. Problemang haharapin ng tauhan.
I. Ang mensahe ng kuwento.
J. Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
kuwento.
K. Ang kaluluwa ng maikling kuwento.
HELP ME PLEASE :<
Share
Verified answer
Mga Bahagi ng Maikling Kuwento
Ang maikling kwento ay karunungang bayan. Mga salaysay na kahit maiksi ay nagbibigay ng mga mahahalagang aral. Isang anyo ng panitikang nagsasalaysay sa madali, maikli, at masining na paraan. Sa simula nakasalaysay ang kawilihan ng mga mambabasa kung ipagpatuloy ang pagbabasa ng kuwento o hindi. Sa wakas nakasaad ang panghuling mensahe ng kuwento.
Answers:
Mga Kahulugan:
Panimula - ang bahagi na siyang guguhitan ng mga pangyayari sa kuwento.
Saglit sa Kasiglahan - ang naglalarawan ng simula patungo sa paglalahad ng unang suliraning inihahanap ng lunas.
Kasukdulan - ang nagsasaad ng pinkamasidhing kawilihan.
Kakalasan o Papababang Aksyon - ang magliliwanag sa mga komplikasyong nalikha sa unang bahagi ng kuwento at magpapatuloy ng paglutas ng problema ng pangunahing tauhan.
Wakas - ang huling bahagi o ang kahihinatnan ng kuwento.
Suliranin - ang problemang haharapin ng tauhan.
Tunggalian - ito ay may apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.
Tagpuan - ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
Paksang Diwa - ang kaluluwa ng maikling kuwento.
Kaisipan - ang mensahe ng kuwento.
Banghay - ang pagkakasunod - sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
Ano ang maikling kuwento: brainly.ph/question/1822514
Ano ang mga bahagi ng maikling kuwento: brainly.ph/question/7523478
#BrainlyEveryday