alamin ang ibat iBang karunogang bayan? isa isahin at bigyan kahulogan at halimbawa? clue bogtong
Share
alamin ang ibat iBang karunogang bayan? isa isahin at bigyan kahulogan at halimbawa? clue bogtong
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang mga karunungang-bayan ay mga salitang may nakapaloob na kaisipan na dapat nating maisalarawan o mabigyang kahulugan upang ito ay makatulong sa pagpapatalas ng ating isip o mapabuti ang ating mga sarili. Halimbawa ng mga karunungang-bayan ay ang mga bugtong, palaisipan, salawikain at kasabihan.
Bugtong- ito ay ginagawang isang laro kung saan kailangang mahulaan ang inilalarawan ng bugtong. Halimbawa: “Tungkod ni Apo, hindi mahipo.” Sagot: ningas ng kandila
Palaisipan- ang mga ito ay isinasaad sa anyong tuluyan o kaya’y anyong patula. Ang mga ito ay naglalahad ng mga suliranin na kailangang masolusyonan.
Halimbawa: “May apat na ibon sa sanga ng puno, binaril ang isa, ilan ang natira?”
Salawikain- ang mga ito ay matatalinghaga at puno ng pilosopiya sa buhay na nagsisilbing gabay upang tayo ay mamuhay ng maayos at matuto ng tamang asal.
Halimbawa: :Magsisi ka man sa huli, wala nang mangyayari.”
Kasabihan/ Sawikain- ang mga salitang ito ay may taglay ding mensahe tulad ng salawikain, ngunit ang sawikain ay mas tiyak sa kanyang mensahe.
Halimbawa: “Namamangka sa dalawang ilog.” Ang ibig sabihin ay salawahan
Explanation:
yan Po great answer