Alin sa mga sumusunod na dahilan ang tumutukoy sa tungkulin ng mga Kanluranin sa kanilang pananakop na turuan at tulungang paunlarin ang kanilang nasasakupan?
a.) Kapitalismo
b.) Nasyonalismo
c.) Rebolusyong Industriyal
d.) The White Man's Burden
3.) Upang matulungan ang mga Asyano na makabangon at maging malaya ay ipinatupad ng mga Europeo ang isang patakaran o sistema sa mga bansa sa Kanluramg Asya. Ano ang tawag sa patakarang ito?
a.) Kapitalismo
b.) Mandato
c.) Rebolusyong Industriyal
d.) Resident
4.) Alin sa mga sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa rehiyong Asya?
a.) pag-unlad ng kalakalan
b.) pagkamulat sa Kanluraning panimula
c.) pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa
d.) paggalugad at pakikinabang ng mga Kanluranin sa mga yamang likas
5.) May iba’t-ibang dahilan ang una at ikalawang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Timog at kanlurang Asya. Alin sa mga dahilan sa ikalawang yugto ang nakatulong sa pag-unlad ng pamumuhay ng mga taga-Asya?
a.) Kapitalismo
b.) Renaissance
c.) Nasyonalismo
d.) Rebolusyong Industriyal
6.) Ang mga sumusunod maliban sa isa ay ang dahilan kung bakit hindi kaagad nasakop ng mga Kanluranin ang bandang Kanlurang Asya?
a.) Kulang ang kanilang mga gamit sa pakikipaglaban
b.) Pagkakaisa ng mga Muslim dahil sa relihiyong Islam
c.) Malayo at mahirap puntahan
d.) Hindi sila interesado sa mga likas na yaman dito
7.) Alin sa sumusunod ang kabutihang dulot ng kolonyalismo at imperyalismo sa Kanluran at Timog Asya?
a.) Nakilala at natuklasan ang Asya ng mga Europeo
b.) Umunlad ang mga rutang pangkalakalan sa Asya
c.) Natutunan ang higit na pamamahala sa bansa ng mga taga-Timog at kanluran
d.) Nakalahok sa malayang kalakalan sa daigdig ang mga taga-Timog at kanluran
8.) Kung susuriin, ano ang pinaka-epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya?
a.) Mabuti dahil higit na umunlad ang kabuhayan nila
b.) Hindi mabuti dahil nabago ang sistema ng kanilang pamahalaan
c.) Lubhang mabuti dahil nagkaroon ng pagbabago sa ibat-ibang aspeto ng kabuhayan
d.) Hindi mabuti dahil ang higit na nakinabang at umunlad ay ang mga mananakop
9.) Ang Indian at mga Arabe ay lubhang naapektuhan ng kolonyalismo at imperyalismo sa paglaganap ng rebolusyong industriyal ano ang higit na inangkin ng mga taga- kanluran sa mga bansa na nasakop nila sa Timog at kanlurang Asya?
a.) Likas na yaman ng mga ito
b.) Mga daungang pangkalakalan
c.) Ang kanilang mga nakagisnang kultura
d.) Ang porma ng kanilang ideolohiya at sistemang pampulitika
10.) Maraming isinagawang pagbabago sa India ang mga Ingles. Alin sa mga kaugalian ng taga-India ang ipinagbawal ng mga British?
a.) Suttee o Sati
b.) Relihiyong Hinduismo
c.) Pagkakaroon ng mga Brahman
d.) Hindi pagkain ng baboy at baka
Share
Answer:
1.a
2.b
3.c
4.d
5.b
6.c
7.a
8.b
9.a
10.d