Aling titik ang may wastong pahayag tungkol sa global warming?
A: Ang Global Warming ay ang labis na pagtatapon ng mga solid waste
B Greenhouse gases ang pangunahing sanhi ng pagkakaroon ng Global Warming
C. Ang Global Warming ay nagdudulot ng mga benepisyo sa kalikasan.
D. Ane Global Warming ay hindi nagdudulot ng El Niño at La Niña sa ating bansa.
Share
Answer:
B
Explanation:
Ang Pag-init ng Daigdig o Global Warming ay tumutukoy sa naranasang pagtaas ng katamtamang temperatura ng himpapawid at mga karagatan sa mundo nitong mga nakaraang dekada. Tumaas ng 0.6 ± 0.2 °Celsius (1.1 ± 0.4 °Fahrenheit) ang temperatura sa loob ng ika-20 siglo ang katamtamang pandaidigang temperatura. Ayon sa siyentipikong opinyon, “ang naranasang pag-init nitong huling 50 taon ay gawa ng tao”. Ang pagtaas ng antas ng carbon dioxide at iba pang mga greenhouse gases na resulta ng pagsunog ng produkto mula sa petrolyong langis, pagpapanot ng kagubatan, pagsasaka, at iba pang kagagawan ng tao ang mga pangunahing sanhi ng pag-init ng mundo.
Para sa iba pang detalye/impormasyon:
Pag-init ng daigdig (ang malayang ensiklopedya)