Ang Alamat ng Sarimanok Si Sari ay ang kaisa-isang anak na dalaga ng Sultan ng Maranao. Siya ay maganda at mabait. Kaya naman, mahal na mahal siya ng sultan at maging ng mga tao sa kanilang lugar. Sa ikalabingwalong kaarawan ni Sari, isang malaking salosalo ang inihanda ng kaniyang ama. Punong- puno ang kanilang bakuran ng mga bisita na masayang nagdiriwang ng kaarawan ni Sari. Nagsasaya ang lahat nang biglang may lumitaw na isang napakalaking tandang na iba- iba ang kulay ng balahibo. Bukod dito, kumikinang pa ang mga ito. Nagulat ang lahat! Magarangmagara ang tindig ng tandang. Lalo pa silang nagulat nang sa isang iglap ay naging isang makisig na prinsipe ito. Ang prinsipeng ito ay ang namamahala sa kalangitan. Siya ay mayroong isang mahiwagang kapangyarihan. Magalang na nagsalita ang prinsipe, “Naparito ako upang kunin ang dalagang minamahal ko”. Walang imik, lumapit si Sari sa prinsipe. Nagbalik- anyo ang prinsipe sa isang tandang at lumipad kasama si Sari patungo sa kalangitan. Hindi na nakita si Sari mula noon. Dahil dito, lungkot na lungkot ang sultan. Araw-araw niyang hinintay ang pagbabalik ng dalawa ngunit hindi na sila bumalik. Isang araw, iniutos ng sultan sa pinakamagaling na manlililok ng tribu na ililok ang tandang na tumangay sa kaniyang pinakamamahal na anak. Nayari ang isang napakagandang lilok sa kahoy. Kinalaunan tinawag itong sari-manok at ito ay naging simbolo ng kanilang tribu
pasagot
brailiest na pang po
Share