Ang Bagong Kaibigan
Ni: Imelda Manrique Abellar
Maagang dumating sa lugar kung saan gaganapin ang paligsahan si Sarah. Habang hinihintay ang kaniyang guro na gagabay sa kanya, umupo muna siya sa harding may mga sementadong upuan. Habang binabasa ang hawak na reviewer, lumapit sa kaniya ang tiyak niyang kalahok din sa paligsahan "Hi! ako si Amy. Saang paaralan ka galing?" tanong ng batang lumapit sa kanya. Sinagot naman ito ni Sarah. Nadatnan sila ng kaniyang guro na parehong nagrereview. Nag-Umpisa na ang paligsahan. Bawat kalahok ay seryoso sa pagsagot. Ilang sandali pa ang lumipas at natapos din ang paligsahan. Nanguna si Amy at pumangalawa naman si Sarah. Masaya silang umuwi. Masaya ang bawat isa hindi lamang dahil sa resulta ng paligsahan kung hindi dahil na rin pagkakaroon ng bagong kaibigan.
1. Kung kayo ang nasa katayuan ni Sarah, ano-ano ang gagawain mo para magkaroon ng kaibigan sa paligsahan?
2. Sa iyong palagay, tama bang makipagkaibigan si Sarah sa katunggali? Ipaliwanag.
3. Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa isang kaibigan?
4. Paano matatagal ang pakikipagkaibigan?
5. Sa iyong sariling pananaw, mahalaga ba ang pakikipagkaibigan?
ipaliwanag
pakisagot nman:)
Share
1.kakausapin ang iba pang mga kalahok at makikinig sa bawat sasabihin nito.
2.Para sa akin ito ay tama, sapagkat hindi ibig sabihin na katunggali mo sa isang paligsahan ay kaaway mo narin sa buhay,dahil sa pamamagitan ng isang malalim na ugnayn ng dalawa o higit pang tao na hindi nakabatay sa kanilang mga katangian kundi sa mas malalim na aspekto ng kanilang pagkatao.
3.Pag sama sakanya sa lahat ng oras, sa problémà man o sa kalokohan.
4.pagbibigay tiwàla sa at pagrespeto sa isat isa.
5.Para akin ay mahalaga ang pakikipagkaibigan upang makakilala tayo ng mga tao na maaring may magandang maidulot sa atin, mga taong maaari nating maituturing na isang tunay na kaibigan.
Answer:
1. Ang gagawin ko para magkaroon siya ng kaibigan sa paligsahan ay lalapitan KO siya at kakaibiganin.
2. Tama po , dahil Hindi sabihin na katunggali o kaaway sa paligsahan ay Hindi na pwedeng kaibiganin at ang pagkakaibigan ay uri din ng respeto sa kapwa.
3. Dadamayin KO sya sa lahat nyang problema at maging totoong kaibigan.
4. Hindi KO sya aawayin at magiging totoong kaibigan.
5. Opo , dahil sya lang ang malalapitan ko pag may problema ako at may kausap.
Sana po makatulong (^v^)