Ang Batang Laki sa Layaw,
Sa Pagsusumikap ay kulang
Ni Judy Ann M. Lagarta
Pagbati nang mapagpalang araw sa lahat ng mga tagapakinig!
Isang makabuluhang tanong ang aking ipupukol. Naniniwala ba kayong, "ang laki sa layaw karaniwa'y hubad sa
bait at muni'lsa hatol ay salat?"
Mulat sa ating kaalaman na ang batang laki sa layaw ay nakukuha ang lahat ng kagustuhan. Tunay ngang anoman
ang ibigin ay ibinibigay ng mga magulang. Tiyak na ang mga batang laki sa layaw, pagsusumikap sa buhay ay hindi alam
Sivangal Talaga namang hindi nila ito alam dahil anomang naisin ay nakukuha kahit hindi pinaghihirapan. Totoo ang mga
salitang ang batang laki sa layaw ay kulang sa kabutihang asal, pagpapahalaga at walang makatuwirang pagpapasiya.
Kaya naman tila naikintal na sa isipan nila na ang pagsusumikap sa buhay ay hindi mahalaga. Palibhasa'y hindi
naghirap o nakatikim ng dusa. Lahat ng pagod at paghihirap, magulang ang nagdadala, maibigay lamang ang
kaginhawahan sa mga anak nila. 'Di tulad ng mga kabataang mulat sa kahirapan, pagsusumikap ng magulang ang
ginawang inspirasyon sa buhay. Tunay na ang tagumpay ng isang bata ay nakasalalay sa patnubay ng kaniyang mga
magulang
Bigyang pansin ninyong mga kabataan ang inihahain sa inyong kaisipan. Pagsusumikap sa buhay bigyan ng
kahalagahan, totoong ang hatid nito ay isang matamis na tagumpay. Layaw na ibinibigay ng inyong magulang suklian ng
kabutihan at sa bawat pagpapasiya maging makatuwiran Simulan mo ito sa iyong pag-aaral. Tunay na ang pagtuklas ng
karunungan ay susi sa magandang kinabukasan Siguradong ang sakripisyo ng inyong mga magulang ay mapapalitan ng
higit pa sa ginto at yaman, ito'y ang aral ng buhay na sa inyong pagsusumikap, magandang hinaharap inyong malalasap.
Mga Gabay na Tanong
1. Ano ang paksa ng lalumpati?
2. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng manunulat sa
mambabasa?
3. Paano inilahad ng manunulat ang kaisipang nais
niyang ipabatid?
4.Sa iyong palagay, wasto ba ang gamit ng salitang may
salungguhit na nagpapakita ng panghihikayat?
5.Bilang kabataan, nahikayat ka ba sa nais ipabatid ng
manunulat? Bakit?
Brainlest agad makaka sagot ng tama bukas na po kasi ung pasahan
Share
Verified answer
Answer: 1 ang batang laki sa layaw 2 lahat tayo ay dapat magsumikap 3 nilagyan nya ito ng maganda pamagat at pagpapaliwag 4 oo 5 opo, dahil nais itong ipabaitd sa nagbabasa nag mag sumikap tayo palagi sa ating pagaaral para tayo ay magkaroon ng magandang kinabukasan
Explanation: pa brainlist namn huhu