Ang Kapaligiran Natin
Pagmasdan natin ang ating mga kapaligiran, ang ating kalikasan.
Nakakalungkot isipin ang mga darating pang panahon. Sabi nga sa isang sikat na
awitin, 'ang ating kabataan kaya'y may puno pang aakyatin, may mga ilog pa
kayang lalanguyan?' Anong mga puno pa ang kanilang aakyatin kung ang ating mga kagubatan
ngayon ay nakakalbo na? Sa kabilang dako, anong ilog pa ba sa kasalukuyan ang
mapaglalanguyanna hindi magiging sanhi ng pagkakasakit, lalo na ang sakit sa balat?
Ang kabundukan katulad ng mga puno at ilog ay nawawala na rin.
Ipinapapatag ito para gawing subdivision o golf courses. O di kaya ay ginagawang
tambakan ng mga basura. Nakakatakot ang mga suliraning ito. Ngunit ano ang magagawa ng tao
mga bagay na nilikha ng Panginoon? Isipin natin ang kabataan sa mga susunod na
henerasyon. Sa halip na tayo ay magsisihan, simulan ngayon ang pagbabago. Dalawang
katangian lamang ang dapat nating taglayin sa pagsisimula: respeto sa kalikasan,
kapaligiran at sa mga nabubuhay na nilalang ng Panginoon. Higit sa lahat, disiplina
sa sarili. Sa pamamagitan nito, makikita natin ang maliwanag, maaliwalas, at
masayang bukas ng kabataan.
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang isyung tinatalakay ng editoryal?
2. Bakit sinabi sa isang awitin "ang ating kabataan kaya'y may puno pang
aakyatin, may mga ilog pa kayang lalanguyan"?
3. Anong nakakatakot na mga tagpo ang binanggit sa editoryal?
4. Ano ang ibinigay na payo ng editoryal
5. Paano kaya ito maisasagawa?
need now
nonsene= report
Share
Answer:
1. patungkol ito sa kalikasan
2.sinasabi na madami pang pag dadaanan ang mgs kabataan kaya't madami pa at maghihirap pa
3. mga suliranin na puno at ilog ay mawawala na rin
4.respetuhin ang kalikasan AT TAYONG MGA KABATAAN ANG PAG ASA NG BAYAN
5.nagsisimula ito sa ating sarili matuto tayong rumespeto sa sarili pagkatapos ipasa ito sa kalikasan at tao
Explanation: