Ang Lawin At Ang Sisiw
Noong araw si Inahing Manok at si Lawin ay magkakaibigan. Minsan
nanghiram ng singsing si Inahing Manok kay Lawin upang gamitin niya sa
pakikipista sa kabilang nayon. Naroroon si Tandang at ibig niyang maging
maganda sa paningin nito. Tinanggal ni Lawin ang suot niyang singsing at
ibinigay niya ito kay Inahing Manok. Ingatan mong mabuti ang singsing ko
Inahing Manok. Napakahalaga niyan sapagkat bigay pa iyan sa akin ng aking
ina.
Maluwag sa daliri ni inahing Manok ang hiniram na singsing ngunit
isinuot pa rin niya ito. “Salamat, Lawin” , wika ni Inahing Manok. “Asahan
mong iingatan ko ang iyong singsing”.
Kinabukasan, maaga pa lamang ay nagbihis na si Inahing Manok.
Isinuot niya ang hiniram na singsing at pumunta na sa kabilang nayon.
Maraming bisita si Tandang at nagsasayawan sila nang dumating si Inahing
Manok. Nang makita ni Tandang si Inahing Manok ay kaagad niyang
sinalubong nito at isinayaw. Masaya ang pista. Sari-sari ang handa ni
Tandang. Tumagal ang sayawan hanggang sa antukin na si Inahing Manok.
Pagkagising ni Inahing Manok ng umagang iyon ay napansin niyang
nawawala ang hiniram niyang singsing kay lawin. Natakot si Inahing Manok
baka tuluyang mawala ang hiniram niyang singsing. Kaya hanap dito hanap
doon , kahig dito kahig doon ang ginawa ni Inahing Manok. Nagalit si Lawin
at sinabi na kapag di nakita ni Inahing Manok ang singsing ay kukunin at
kanyang dadagitin ang magiging anak na sisiw ni Inahing Manok.
Araw-araw ay naghahanap si Inahing Manok ng nawawalang singsing.
Maging ang iba pang Inahing Manok ay naghahanap na rin ng nawawalang
singsing upang hindi dagitin ni Lawin ang kanilang mga sisiw. Ngunit hindi
nila makita ito hanggang tuluyan nang nagkagalit si Lawin at si Inahing
Manok.
Namatay na si Inahing Manok at namatay na rin si Lawin ngunit
magkagalit pa rin ang humaliling mga inahing manok at lawin. Magmula noon
at sa kasalukuyan ay di pa nakikita ang nawawalang singsing kaya dinadagit
pa ng lawin ang mga sisiw ng inahing manok.
1.Ano ang napulot ninyong aral mula sa
kuwento?
Share
Verified answer
QUESTION:
1.Ano ang napulot ninyong aral mula sa
1.Ano ang napulot ninyong aral mula sakuwento?
ANSWER:
Ang aral na aking napulot sa kuwento ay, dapat nating ingatan ang mga pinapahiram saatin sapagkta tayo ay pinagkatiwalaan nila at inasahan ka nila na hindi mo ito wawalain. Ngunit kapag winala mo ang ipinahiram sayo ay, mawawala rin ang pagkakatiwala at pag asa sayo ng kaibigan mo. Maaari din na masira ang iyong pagkakaibigan.
#BrainlyEveryday
HOPE IT HELPS (‐^▽^‐)