Ang masusustansiyang pagkain ang nagbibigay ng sapat na nutrisyon sa ating katawan. Sa pamamagitan nito, nananatili tayong malakas at masigla upang magampanan natin ang iba't ibang mga gawain. Napalalakas din ng wastong nutrisyon ang ating resistensiya kaya't hindi tayo madaling dinarapuan ng sakit at napananatili natin ang pagkakaroon ng mabuting lagay ng kalusugan.
34. Alin sa sumusunod ang pangunahing paksa ng talata?
A. Panatilihin natin ang pagkakaroon ng mabuting kalusugan.
B. Matatapos natin ang mga gawain kung tayo ay malakas at masigla.
C. Mahalaga ang wastong nutrisyon sa pagpapanatili ng mabuting lagay ng kalusugan.
D. Pinalalakas ng masusustansiyang pagkain ang ating resistensiya kaya hindi tayo madaling dapuan ng sakit.
35. Bukod sa pagkain ng masusustansiyang pagkain, ang sumusunod ay mahalaga rin sa pagkakaroon ng mabuting lagay ng kalusugan. Alin ang hindi kabilang dito?
A. pagtulog ng walong oras at maagang pagpapahinga
B. pag-inom ng walo o higit pang baso ng tubig sa bawat araw
C. pagsasagawa ng ehersisyo gaya ng paglakad, pagtakbo at pagsayaw nang higit pa sa itinakdang oras
D. pagkakaroon ng libangan gaya ng pagbabasa o paglalaro upang mapahinga ang isip at manatiling masayahin
Share
Verified answer
Answer:
✏Answer✏
34: D
35: D
Carry on Learning