Ang mga-anak na Reyes ay likas na matulungin. Sila ay nagpunta sa kalapit na Barangay upang tulungan ang mga taong nasunugan. Sina Aling Oneng at Mang Romy ang nagbibigay ng pagkain. Sina Argie, Tina at Leo ang tumutulong sa pag-eempake ng mga pagkain na ipamimigay. “Ako na ang maglalagay ng noodles sa supot,” ang sabi ni Argie. “Ikaw naman Tina ang maglagay ng mga de lata. Sila naman ang maglalagay ng mga bigas,” sabay turo ng dalawang bata kay Leo. Ang pamilya ay masayang-masaya kapag sila ay may natutulungan.
Ano ang katangiang taglay ng mag-anak?
Share
Answer:
Matulungin at may malasakit sa kapwa