Ang mga Babae sa Katipunan 1. Taong 1893 nang buksan ng Katipunan ang kanilang sikretong samahan para sa mga babaeng kasapi. 2. Limitado lamang noon ang pagkuha ng babaeng miyembro sa kaanak ng mga lalaking kasapi ng kilusan. 3. Itinuring sila bilang kaagapay sa anumang aktibidades ng samahan. 4. Si Gregoria de Jesus o Oriang ang kabiyak ni Andres Bonifacio na tinaguriang Lakambini ng Katipunan. Siya din ang kauna-unahang babaeng miyembro ng samahan. 5. Si Gregoria de Jesus ang naging tagapagtago ng mga lihim dokumentong panrebolusyon. na 6. Sa bakuran ni Tandang Sora ang naging kanlungan, taguan, at sa kalauna'y punong himpilan ng mga rebolusyonaryo. 7. Tinanggap ni Tandang Sora sa kaniyang pamamahay ang mga rebolusyonaryong humingi sa kaniya ng tulong, pagkain, salapi, at paggamot - dahilan para siya'y bansagang “Ina ng Katipunan." 8. Ang mga Katipunera ay ang humikayat ng mga bagong miyembro ng samahan, tagasulat ng mga katitikan, taga-ingat ng mahahalagang dokumento, tagalinlang, taga-aliw sa mga awtoridad na mga Espanyol na nagdududa sa mga pagpupulong na isinasagawa ng mga Pilipino, at tagagawa ng mga bandila. 9. Si Teresa Magbanua ang unang babaeng mandirigma sa Panay at kilala bilang "Joan of Arc ng Visayas"
Share
Answer:
Thank you for the notes
Explanation:
And also for the points