Ang mga saklaw ng pag-aaral ng heograpiya ay____________________
Share
Ang mga saklaw ng pag-aaral ng heograpiya ay____________________
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Ang anyong lupa ay ang mga kapatagan, malalawak na mga lupain na maaaring sakahan, taniman at tayuan ng mga bahay at haligi.
Ang anyong tubig ay ang mga karagatan, lawa, ilog, talon, sapa at marami pang uri ng mga katubigan sa daigdig.
Likas na Yaman - Ito ay ang mga natural na nakukuha mula sa mga anyong tubig at anyong lupa.
Klima at Panahon - Ito ang pangkalahatang kalagayan ng atmospera sa isang lugar sa mahabang panahon at ang kondisyon ng atmospera o himpapawid sa isang lugar sa tiyak na oras.
Flora (plant life) at Fauna (animal life) - Ito ay ang mga halaman at mga hayop sa isang lugar.
Ang distribusyon at interaksyon ng tao at iba pang organismo sa kapaligiran.
Mga Sangay ng Heograpiya
Heograpiyang Pisikal - Ang sangay na nakatuon sa pag-aaral ng iba’t-ibang katangian at proseso ng pisikal na daigdig tulad ng paggalaw ng hangin at tubig at karaniwang nagdidikta kung malilimitahan o mapauunlad ng tao ang kaniyang pamumuhay.
Heograpiyang Pantao - Sangay ng heograpiya na nakatuon sa pag- aaral kung paano namumuhay ang tao sa kaniyang pisikal at kultural na kapaligiran at saklaw nito ang pag-aaral sa wika, relihiyon, ekonomiya, pamahalaan, at iba pang aspeto tulad ng distribusyon ng populasyon.