ANG PAMAHALAANG SULTANATO
Bago dumating ang mga Muslim sa Mindanao, mayroon nang maliliit na pamayanang tinatawag na banwa sa Sulu. Ang mga banwa ay pinamumunuan ng mga datu o raha.
Noong 1450, si Abu Bakr ay naglayag mula Sumatra papunta sa Sulu. Noong lumaon pinakasalan niya si Paramisuli na anak ni Raha Baginda. Nang mamatay si Raha Baginda, si Abu Bakr ang humalili sa kanya bilang raha. Sa pamumuno niya, pinag-isa ang mga banwa at bumuo ng isang sultanato sa Sulu. Ito ay kalipunan ng mga banwa na pinamamahalaan ng isang sultan.
Si Abu Bakr ang kauna-unahang sultan ng Sulu.
Ang sultan ang pinakamataas na pinuno ng pamahalaang sultanato. Siya ang punong tagapagpaganap, hukom, taga-pagbalangkas ng mga batas, at pinuno ng mga mandirigma.
Dahil sa lawak ng tungkuling ginagampanan ng isang sultan, siya at tinutulungan ng ruma bichara, kadi, ulama, panglima, pandita at imam.
Ang ruma bichara ay isang lupon ng tagapayo na binubuo ng raha muda o tagapagmana ng sultan, maharaja adinda o pangalawang tagapagmana ng sultan, mga datung mayayaman at makapangyarihan, sharif at iba pang taong iginagalang.
Tinatalakay at pinagpapasyahan ng lupon ang mga bagay na may kinalaman sa batas, pananalapi at pangangalakal.
Ang kadi ay isang tao na nagpapaliwanag ng tunay na kahulugan ng Koran at tinitiyak niya na hindi labag sa aral ng Islam ang mga batas.
Ang ulama ay iskolar ng relihiyon at nagbibigay payo sa sultan ukol sa relihiyon.
Ang panglima ay mga pinunong tagapaganap ng Sultan o tagapagpatupad ng mga batas na pinagtibay na sa mga masjid o distrito. Sila ang may kapangyarihang maningil ng buwis.
Ang pandita ay tagapayong panrelihiyon ng panglima.
Ang imam ay katulong naman ng pandita sa pangangasiwa ng mga distrito. Nagtagumpay ang sultanato ng Sulu upang pag-isahin ang iba’t-ibang pangkat etniko gaya ng mga Tausug, Samal, Yakan at mga Badjao. Nasa ilalim ng pangangasiwa ng sultanato ng Sulu ang Tawi-tawi, Basilan, dulong timog ng Zamboanga, Palawan at
Sabah na nasa dulong hilaga ng Malaysia. Tumagal ng limang dantaon ang sultanatong ito.
Noong 1475, dumaong sa Cotabato ang misyonaryong Sharif Kabungsuan, mula sa Johare, Malaysia. Napangasawa niya ang isang prinsesa ng Cotabato. Siya ang unang sultan ng Maguindanao. Kasabay ng pagtatag ng mga sultanato ang paglaganap ng relihiyong Islam.
Ang pamahalaan ay naging sentralisado at matatag dahil sa pangangasiwa ng iisang makapangyarihang pinuno. Napagbuklod-buklod ang hiwa-hiwalay na barangay tungo sa pagkakaisa.
1.Balikan ang kwento, saang lugar ng Sulu na kung saan pinamumunuan ng datu o raha? *
1 point
This is a required question
2.Sino ang naglalayag mula Sumatra papunta sa Sulo noong 1450 na naging raha banwa ng Sulu? *
1 point
This is a required question
3.Paano pinag-iisa ang iba't-ibang pangkat etniko gaya ng mga Tausug, Samal, Yakan at mga Badjao? *
1 point
4.Sino ang unang sultan ng Maguindanao na dumaong at nakapangasawa ng pinsesa ng Cotabato noong 1475? *
1 point
5.Bakit kinakailangan magkaroon ng Sultanato ang relihiyon ng Islam? *
1 point
Share
Answer:
1.banwa ng Sulu
2.abu Bakit
3.nagtagumpay ang sultanato ng Sulu upang pag isahin ang ibat ibang pangkat etniko gaya ng mga tausug,Samal,Yakan at mga Badjao
4.abu Bakr
5.kinakailangan nla ito sapagkat siya ang kikilalanin na May pinakamataas na tungkuling gagampanan at siya ang tagapagganap,tagahulom,taga pagbalangkas ng mga batas,at pinuno ng mga mandirigma