Ang pangkat ni Ben ay inatasan ng kanilang guro sa
Araling Panlipunan na magpakita ng isang katutubong sayaw.
Bilang lider ng grupo, kaagad nagpatawag si Ben ng pagpupulong
sa kanilang mga kasama. Lahat sila ay may kani-kaniyang gawain
na dapat gampanan. Kaagad naman nilang ginawa ang mga ito ng
may pagkukusa.
Sa araw ng kanilang pagtatanghal ay naging maganda ang
kanilang presentasyon. Lahat ay napahanga lalong-lalo na ang
kanilang guro. Tinanong sila kung paano nila ito nagawa ng
maayos sa maikling panahon. Napangiti lamang si Ben at sumagot
ng maikling tugon, "Ang tingting kapag pinagsama-sama ay nagiging
matibay":
Mga Tanong:
1. Ano ang katangiang ipinakita ng pangkat ni Ben?
2. Paano ginampanan ni Ben ang kaniyang tungkulin bilang lider ng grupo?
3. Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi tumulong ang mga
kasapi ng grupo sa kanilang gawain?
4. Kung ikaw ay bahagi ng pangkat ni Ben, ano ang mararamdaman mo?
Bakit?
5. Ipaliwanag ang kasabihan, "Ang tingting na pinagsama ay nagiging
,
matibay"
Share
1. Ang katangian na ipinakita ng pangkat ni Ben ay ang maayos na pamumuno niya sa kanyang kasamahan at ang pagtutulungan ng isang grupo.
2. Nagampanan ni Ben ang kaniyang tungkulin bilang lider ng grupo sa pamamagitan ng pag-gabay niya at pag-papaintindi sa kaniyang kagrupo ang kani-kanilang gagampanan sa ginawang katutubong sayaw.
3. Ang maaaring nangyari ay, hindi nila ito nagawa ng maayos at natagalan ang kanilang pag-hahanda para roon sa kanilang gawain.
4.Kung ako ay bahagi ng pangkat ni Ben ay lubos akong matutuwa sapagkat matagumpay at maayos ang ginawa namin paghahanda sa gawain iniatas sa amin ng aming guro.
5. Ang pagtutulong ng maraming tao ay nakakapagpalakas at napapadali ang anumang bagay basta'y mayroong pagtutulungan.