Ang Punong Ginto Isang magsasaka ang nakaisip na alisin ang kamalasang inaakala niyang maaaring dumating sa kanyang bukid sanhi ng nakita niyang itim na uwak. Habang maraming tao ang nagkakagulo sa kanilang bakuran, isa sa mga ito ang nakatisod ng isang matandang nakaupo sa lusong. Ilan sa mga lalaking naroon ang nagtangkang tumulong sa kanya. Subali't sinenyasan niya silang lumayo at nakangiti niyang sinabi: "Huwag ninyo akong hawakan. Hayaan na ninyo ako. Bigyan na lamang ninyo ako ng pagkain at pagkatapos ay takpan ninyo ako ng sako. Pagkatapos ng tatlong araw ay may tutubong puno sa kinalalagyan ko. Huwag ninyong gagalawin ang puno maliban sa kanyang bunga. Pag nasunod ninyo ito ay habang buhay kayong magkakaroon ng kaligayahan." Sinunod ng mga tao ang sinabi ng matanda at nagkatotoong lahat ang sinabi nito. May tumubo ngang puno sa lugar na kanyang kinaroroonan subali't mahiwaga ang punong tumubo. Ito'y isang puno ng ginto. Nang makita ito ng mga tao bawat isa sa kanila ay nag-agawan sa pagtaga sa puno hanggang sa ang puno ay mabuwal. Sa pagkakabuwal ng puno, bumuka ang lupa at kinain ang punong ginto.kung hindi niyo alam wag ninyo ikoment please
Share
Answer:
Explanation:
correcr me if im wrong nalang
pabrainliest
paheart po