Ang Talinghaga Tungkol sa May-Ari ng Ubasan
(Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan)
Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagangmaaga upang humanap ng manggagawa para sa kaniyang ubasan. Nang magkasundo na
sila sa upa ng isang salaping pilak sa maghapon, ang mga manggagawa ay pinapupunta
niya sa kaniyang ubasan. Lumabas siyang muli nang mag-ikasiyam ng umaga at nakakita
siya ng iba pang tatayo-tayo lamang sa palengke. Sinabi niya sa kanila, “Pumunta rin
kayo at magtarbaho sa aking ubasan, at bbibigyan ko kayo ng karampatang upa.” At
pumunta nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-ikalabindalawa ng tanghali at nang
mag-ikatlo ng hapon, at sa ganoon din ginawa niya. Nang mag-ikalima na ng hapon ,
siya’ylumabas muli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila,
“Bakit tatayo-tayo lang kayo rito sa buong maghapon?””Kasi po’y walang magbigay sa
amin ng trabahao,” sagot nila. Kaya’t sinabi niya, “Kung gayon, pumunta kayo at
magtrabaho kayo sa aking ubasan.”
Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kaniyang katiwala, “Tawagin
mo na ang mga manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli hanggang sa unang
nagtrabaho.” Ang mga nagsimula nang mag-ikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang
salaping pilak. Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit
doon; ngunit ang bawat isa’y binayaran din ng tig-iisang salaping pilak. Nagreklamon
ang mga nagtrabaho sa may-ari ng ubasan. Sinabi nila, “isang oras lamang gumawa ang
mga huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa
nakapapasong init ng araw, bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa?”
Sumagot ang may-ari ng ubasan sa isa sa kanila, “Kaibigan, hindi kita dinadaya.
Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang salaping pilak?” Kunin mo ang para sayo at umalis
ka na. Ano sa iyo kung ibig kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko
sa iyo?”
Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan? Kayo ba’y
naiinggit dahil ako’y nagmagandang-loob sa iba?”
Gawain 7: Isulat ang tamang sagot sa patlag.
______________ 1. Magkano ang halagang sinahod ng mga manggagawa?
______________ 2. Ito ay pagpapakahulugan batay sa kung paano ginamit ang salita sa
loob ng pangungusap.
______________ 3. Saan ang tagpuan sa parabula?
______________ 4. Sa anong sitwasyon makikita ang talinghagang ito?
______________ 5. Anong oras nagsimulang magtrabaho ang mga naunang manggagawa?
Share
Answer:
1. tig isang salaping pilak