ang tatlo kultura ng mindanao at tatlo mga patunay
Share
ang tatlo kultura ng mindanao at tatlo mga patunay
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang Mindanao ay ang ikalawang pinakamalaking pulo sa Pilipinas at isa sa tatlong grupo ng mga isla sa bansa, kasama ang Luzon at Visayas. Ito ay tirahan para sa karamihan ng mga Moro o Muslim sa bansa, kinabibilangan ng maraming grupong etniko tulad ng mga Maranao at Tausug. Isang mapait na pakikibaka para sa kalayaan ang pinag daranasan ng limang siglo ng ilang mga paksyong muslim laban sa mga nagpasa-pasang mananakop. Ang mga Kastila, Amerikano, Hapones at pati ang mga pwersa ng pamahalaang Pilipino ay hindi nagtagumpay sa pagsugpo sa kagustuhan nilang humiwalay sa nangingibabaw na Kristyanong bansa. Ang mayoriya ng populasyon ng Mindanao ngayon ay Kristyano sanhi na rin ng ilang dekada ng pagaagaw-lupa at malawakang pagpasok ng mga migrante sa rehiyon. Ito ang kinagagalit ng mga mahihirap at nawalang-tahanang mga Muslim Mindanaon at dinadahilang isyu ng mga kilusang separatista na ilang daang taon nang nakikipagdigmaan.
Mayroong 25.58 million ang nakatira sa Mindanao noong 2007. Bilang isang pulo sa timogang bahagi ng bansa, ang Mindanao ang ikalawang pinakamalaki sa sukat na 94,630 kilometro kwadrado, mas maliit sa Luzon ng mga 10,000 km² lamang. Ang isla ay mabundok, at dito matatagpuan ang Bundok Apo, ang pinakamataas na bundok sa bansa. Ang Dagat Sulu ay nasa kanluran ng isla ng Mindanao, sa silangan ay ang Dagat ng Pilipinas, at sa timog naman ay ang Dagat Celebes. Ang grupo ng isla ng Mindanao ay binubuo ng mismong isla ng Mindanao, kasama ang Kapuluang Sulu sa timog-kanluran.
Ang grupong ito ay nahahati sa anim na rehiyon, na nahahati naman sa 25 mga probinsya. Ang grupong ito ng Mindanao ay isang arbitraryong lupon ng mga pulo sa timogang bahagi ng Pilipinas na kinabibilangan ng anim na rehiyong administratibo.
Ang mga rehiyong ito ay nahahati sa 25 mga lalawigan, kung saan apat lamang sa mga ito ay wala sa mismong isla ng Mindanao. Kasama sa grupo ang Kapuluang Sulu sa timog-kanluran, kinabibilangan ng mga pangunahing isla ng Basilan, Jolo, at Tawi-Tawi, pati ng mga nakaratag na mga isla sa kalapit nito tulad ng Camiguin, Dinagat, Siargao, Samal, at Mga Isla ng Sarangani. Ang anim na rehiyon ay ang mga sumusunod: Peninsula ng Zamboanga (Rehiyon IX) Hilagang Mindanao (Rehiyon X) Davao (Rehiyon XI) SOCCSKSARGEN (Rehiyon XII) Caraga (Rehiyon XIII)
Explanation: