“Ang Yorme namin ay laging handa”. Sa kasalukuyang panahon isa sa mga namamayagpag na pangalan sa larangan ng politika at namumuno dahil sa kanyang kasipagan at dedikasyon sa tungkulin ay ang Alkalde ng Maynila na kilala sa bansag na Yorme Isko.
Siya si Francisco Moreno Domagoso ipinanganak noong Oktubre 24, 1974. Nakatapos siya ng elementarya sa Mababang Paaralan ng Rosauro Almario at sekundarya sa Tondo High School. Nagtapos siya sa kursong Bachelor of Science in Management sa International Academy for Management and Economics. Nagpatuloy din siya ng kursong Abogasya sa Arellano University School of Law subalit nasa ikalawang taon na sana siya nang hingin ng pagkakataon na siya ay tumakbo bilang Bise-Alkalde ng Maynila.
Naging basurero, pedicab driver, at takatak boy si Isko pero nag-iba ang direksyon ng kaniyang buhay nang makapasok siya sa showbiz at pulitika. Nagsimula siyang sumubok sa mundo ng politika at serbisyo publiko noong 1998. Nahalal siya bilang pinakabatang konsehal sa edad na 23. Natapos niya ang tatlong termino ng pagiging konsehal sa Unang Distrito ng Maynila. Matayog ang pangarap ni Isko sa kanyang karera bilang public servant kahit pa nga marami ang kumukwestiyon sa kanyang kakayahan.
Marami na siyang nagawa at napatunayan sa kasalukuyan. Bagama’t isa itong napakalaking hamon, naniniwala si Batang Maynila Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa biyaya ng Maykapal, sa suporta ng mga Manilenyo, at sa kagandahan loob ng mga mapagkalinga, kaakibat ang mabuti, matatag at malinis na pamumuno sa pamahalaan, ay abot kamay ang katuparan ng pagbabalik ng masigla, maganda, at maunlad na Lungsod ng Maynila na kanyang sinilangan.
Dala niya ang kanyang mga karanasan at mga natutuhan sa buhay sa paghahain niya ng kanyang sarili upang maging Boses ng Maralita, Mahihirap at Boses ng mga Ordinaryong Manileño sa Lungsod ng Maynila.
Sa patuloy na pagpupursige at pagsusumikap ni Batang Maynila Isko Moreno Domagoso, pangunahing inspirasyon niya
tanong:
1.Sino ang Yorme ng Maynila?
2.Anong mga katangian ni Yorme Isko Moreno ang nagpakilala sa kanya bilang Alkalde ng Maynila?
3.Bago siya naging Mayor, ano ang unang katungkulan na ginampanan niya sa larangan ng pulitika?
4.Bakit dapat siyang ipagmalaki bilang isang Alkalde ng Maynila?
5.Kung ikaw ay isang pinuno o lider, gusto mo bang tularan si Yorme Isko Moreno? Bakit at Bakit hindi?
6.Bakit siya ay isang katangi-tanging tao sa ating lipunan?
Share
Answer:
Ok
Explanation:
pa brainliest po please