ano ang dahilan ng pagdakip at paghatol ng kamatayan sa tatlong paring martir na sina padre mariano gomez ,jose burgos at jacinto zamora?
Share
ano ang dahilan ng pagdakip at paghatol ng kamatayan sa tatlong paring martir na sina padre mariano gomez ,jose burgos at jacinto zamora?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
answer:
SINO ANG GOMBURZA? ANO DAHILAN, BAKIT BINITAY 3 PARI PAG-ALSA SA CAVITE
GOMBURZA
Ang salitang GOMBURZA ay halaw mula sa apelyido ng tatlong pari, na sina Padre Jose Burgos, Padre Jacinto Zamora, at Padre Mariano Gomez, na binitay noong Pebrero 17, 1872 ng mga Espanyol dahil sa pagbibintang sa kanila sa kaso ng subersyon at pag-uugnay sa kanila sa nangyaring pag-aalsa sa Cavite noong 1872.
Ang tatlong paring GOMBURZA
Mariano Gomez
Siya ay ipinanganak noong Agosto 2, 1799 sa Santa Cruz, Maynila. Siya ang nauna na binitay sa Bagumbayan (Luneta sa kasalukuyan) at ang pinakamatanda sa tatlong martir. Siya ay nag-aral at nakapagtapos sa Unibersidad ng Santo Tomas at nagsilbi bilang pari ng parokya sa Bacoor, Cavite. Itinatag niya rin ang pahayagan na La Verdad (The Truth) kung saan ipinapakita nito ang hindi magandang kondisyon ng bansa.
Jacinto Zamora
Siya ay ipinanganak noong Agosto 14, 1835 sa Pandacan. Iniugnay siya sa rebelyon sa Cavite noong 1872 dahil sa kanyang imbitasyon sa kaniyang mga kaibigan. Nagpadala siya ng paanyaya na naglalahad na,“Grand Reunion... our friends are well provided with powder and ammunition.” Ang mga katagang ito ay ginamit laban sa kaniya dahil sa pag-aakalang ito ay nanghihikayat sa ibang mamayanan na magrebelde. Ngunit ito ay isa lamang paanyaya ni Zamora sa kanyang mga kaibigan na sila ay maglaro ng panguigui, isang kilalang laro sa baraha, at ang salitang powder and ammunition ay mga simbolo lamang na sila ay may sapat na pera upang maglaro buong magdamag.
Jose Burgos
Siya ay ipinanganak noong Pebrero 9, 1837 sa Vigan, Ilocos Sur at siyang huling binitay sa tatlong paring martir. Siya ang pinakanatatangi sa tatllong pari dahil sa siya ay nagtamo ng dalawang titulo sa pagkadoktor, isa sa teolohiya at isa pa sa canon law. Isa rin siyang manunulat at konektado sa Manila Cathedral. Ang kanyang kamatayan ang pinakamadula sa lahat. Isa sa mga detalye ng kanyang kamatayan ay nang siya ay tumayo at sumigaw na, “Wala akong ginawang anumang kasalanan!”
Ang pag-aalsa sa Cavite at epekto ng pagbitay sa tatlong pari sa mga Pilipino
Nadawit ang tatlong pari sa mga pag-aalsa na nangyari sa Cavite noong Enero 20, 1872. Ang pag-aalsa ay nag-ugat sa paniningil ng pamahalaang kolonyal ng Espanya ng karagdagang tributo. Naniwala ang pamahalaan na ang mga pari ang siyang nagpasimuno ng naturang pag-aaklas. Sila ay pinatay pamamagitan ng garrote sa Bagumbayan noong Pebrero 17, 1872.
Ano ang garrote
Ang garrote ay isang sandata na ginagamit sa pagsakal ng isang tao. Ang isang tao na hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng garrote ay pa-uupuin, tatakluban ng isang tela ang ulo at sasakalin sa pamamagitan ng pag-ikot ng lubid na nakapalibot sa leeg ng nahatulan. Ito ang pamamaraan na ginamit nang patayin ang tatlong paring GOMBURZA
Epekto ng pagbitay sa tatlong pari sa mga Pilipino
Nagdulot ito nang mas matindi pang galit sa mga dayuhang mananakop at nagbigay lakas sa mga Pilipino na magkaroon ng reporma sa pamamahala sa sariling bayan. Ang pagkamartir ng tatlong paring GOMBURZA ang naging inspirasyon din ni Jose Rizal upang maisulat ang kaniyang mga nobela.
~Binibining Mananalaysay
Explanation:
#CORRECT ME IF IM WRONG
#pa brainliest po