Ano ang dapat gawin Kung nais magnegosyo?
Home
/
Ano ang dapat gawin Kung nais magnegosyo?
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Verified answer
Answer:
Ang pagtatayo ng negosyo ay hindi biro. Bilang negosyante, maraming bagay ang dapat mong pag isipan at ilaan upang maging matagumpay ang iyong pagnenegosyo.
Narito ang mga bagay na dapat mong gawin kung nais mong mag negosyo:
1. Suriin ang iyong sarili. Ikaw bilang negosyante, dapat alam mo kung anong klaseng negosyo ang nais mong itayo. Ano ba ang iyong kakayahan at interest? Hindi ibig sabihin na kaya mong gawin ay gagawin mo na. Kailangan mong gawin ang mga bagay na mahal mo at alam mong doon ka mahusay upang hindi ka magkamali. Bilang negosyante, kinakailangang alam mo rin ang hangganan ng iyong capital o pera at kakayahan.
2. Lumikha ng pag aaral. Bilang negosyante, ikaw ay dapat gumagawa ng pag aaral sa iyong papasuking negosyo. Maari kang gumamit ng internet, magsurvey sa mga tao sa paligid upang malaman mo kung ang iyong nais na negosyo ay magiging patok sa mga mamimili.
3. Kumuha ng mga dokumentong naaayon sa iyong negosyo. Hangga't maaari kung ang iyong negosyo ay may misyon na palaguin ang iyong kita at maging masaya ang iyong mga mamimili, dapat ganun rin ang iyong mithiin para sa gobyerno. Kumpletuhin ang mga dokumentong legal para sa iyong negosyo. Ilan sa mga sumusunod na dokumento ay: Business Registration, Licenses, bank accounts at iba pa.
4. Gumawa ng plano sa iyong negosyo. Isang dokumento ang maaaring makatulong sa iyo sa pagpaplano ng iyong negosyo. Ang tawag dito ay business plan. Ang dokumentong ito ay nagsasaad ng kumpletong plano, stratehiya, disenyo, operasyon at mga tao sa likod ng iyong itatayong negosyo. Kasama rin ang iyong nakikitang mga gagastusin at kikitain ng iyong planong negosyo.
Explanation: