ano ang edukasyon?mahalaga ba ang edukasyon? bakit?
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang edukasyon ay sinasabing isang isang kayamanan na hindi mananakaw ng sinuman. Ito ay karugtong na ng katauhan ng isang tao at madaling makita sa isang tao kung siya ay isang edukado o hindi. Ang pagkakaroon ng mataas na edukasyon ay makakatulong upang maitaas ang tiwala sa sarili, magbigay ng pagkakapantay-pantay sa bawat tao, pagtupad ng mga pangarap, paglago ng ekonomiya ng bansa, pagsulong ng lipunan at pag-iwas sa panloloko ng iba. Bagaman at ito ay napakahalaga, marami pa rin sa mundo ang hindi nakakatanggap nito dahil sa kahirapan at kawalan ng oportunidad.
Further Explanation
Pagkakaroon ng tiwala sa sarili - Ang taong may sapat na kaalaman ay may mataas na tiwala sa sarili sapagkat kaya niyang makihalubilo sa ibang taong edukado man o hindi. Kinakikitaan ng panliliit ang mga taong nawalan ng opotunidad sa pag-aaaral. Ito ay nagiging hadlang sa kanila upang makipag-ugnay sa ibang tao.
Pagbibigay ng pagkakapantay-pantay - Nagbibigay ng pagkakapantay-pantay ang edukasyon sa pagbibigay ng oportunidad sa mga taong pinanganak na mahihirap na makilebel sa mga mayayaman. Ito rin ay isa sa mahahalagang aspeto sa pag kakapantay-pantay ng mga lalaki at babae, ibang lahi, ibang relihiyon at ibang kultura.
Pagtupad ng pangarap - kaakibat nito ang pagkakaroon ng karampatang trabaho na makakatulong sa pagkamit ng pangarap ng isang indibidwal. Ito rin ang nagaahon sa problemang pinansyal sapagkat ang taong may mataas na pinagaralan ay madaling nakakakuha ng magandang posisyon sa trabaho at mabilis na pag-angat.
Paglago ng ekonomiya ng bansa - Isa ang mga bansang Australia, USA at Japan sa mga bansang may mataas na antas ng lipunan dahil sa mga dami ng taong edukado at mataas na liturhiya ng kanilang bansa. Dahil dito, ang antas ng pamumuhay ng mga tao sa bansang ito ay may mababang bilang ng tao na nasa kahirapan.
Pagsulong ng lipunan - Ang edukasyon ay importante sa paglaganap ng mga imbensyon at mga aktibidad na may kinalaman sa pagyabong ng lipunan. Ang mga taong may sapat na aral ay nakakatulong sa pag gawa ng mga bagay na nakakatulong sa pagdali ng pamumuhay ng mga tao.
Pag-iwas sa panloloko ng iba - Ang mga taong hindi nabigyan ng tyansang makapag-aral ay madalas nabibiktima ng panloloko sapagkat wala silang sapat na kakayanan para kumpirmahin kung ang ginagawa sa kanila ay patas pa o labag na sa kanilang karapatan.
Ang mga taong edukado ay may kakayahang makatulong sa mga taong hindi nabigyan ng patas na kaalaman. Ang bilang nga mga taong hindi nakakatanggap ng edukasyon ay unti-unti ng nababawas hanggang sa panahong kasalukuyan. Ito ay bagay na dapat suportahan ng mga tao lalo na ang mga taong nakapuwesto sa politika at makapangyarihan.
Explanation:
i hope it helps
pa brainliest po