Ano Ang ginawa mo upang gampanan Ang iyong tungkulin
Home
/
Ano Ang ginawa mo upang gampanan Ang iyong tungkulin
Ano Ang ginawa mo upang gampanan Ang iyong tungkulin
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Sa bawat araw na dumaraan, nahaharap ka sa iba’t ibang gawain na dapat mong tuparin. Napakaraming takdang kailangang gawin sa paaralan. Napakaraming gawain sa sariling tahanan. May mga obligasyon ka sa iyong sambahan atpamayanan. Naghahanap ng panahon at atensyon ang iyong mga kaibigan. Marahil sa mga pagkakataon na ikaw ay nakararamdam na ng pagod, tinatanong mo na ang iyong sarili kung paano mo ang iyong katawan. Ngunit sabi ng isang linya ng awitin, ”Ganyan talaga ang buhay...”.
Nasubukan mo na bang ihalintulad ang iyong sarili sa isang batang nagtitinda ng sampagita sa simbahan pagkatapos niyang pumasok sa paaralan? Nasubukan mo na bang kausapin ang isang tinedyer na nagbubuhat ng mabibigat na sako ng gulay sa Divisoria sa gabi? Nailagay mo na ba ang iyong sarili sa katayuan ng isang tinedyer na nasa lansangan; dala-dala ang sanggol na kapatid at kumakatok sa mga bintana ng sasakyan upang manghingi ng pera o pagkain? Mas mahirap hindi ba?
Pero hindi nagrereklamo ang karamihan sa kanila at tinatanggap ang mga ito bilang kanilang obligasyon sa kanilang pamilya. Maraming tao ang nagsasabi sa iyo na hindi ka na bata. Habang nadaragdagan ang iyong edad ay nadaragdagan din ang iyong mga tungkulin. Mulat ka na ba sa iba’t iba mong tungkulin? Hayaan mong tulungan ka ng babasahin na ito.
1. Ang Tungkulin sa Sarili. Ang tungkulin ay laging dapat nagsisimula sa sarili. Mahirap isalin sa ibang tao ang responsibilidad kung hindi ito nasimulang ilapat sa sarili. Bilang isang tinedyer, may mga bagay na dapat mong bigyang-pansin upang masabi mong tunay mong natupad ang iyong tungkulin sa iyong sarili.
a. Pagharap at Wastong Pamamahala sa mga Pagbabago sa Yugto ng Pagdadalaga/Pagbibinata.
Sa yugto ng pagdadalaga/pagbibinata, nahaharap ang isang tinedyer sa iba’t ibang mga pagbabago. Napagaralan sa nagdaang aralin ang mga ito. Huwang mong hayaang bumaba ang iyong tiwala sa sarili. Sa halip gamitin mo itong pagkakataon upangmas mapagyaman ang iyong sarili. Kailangang magsimula ka nang tama. Dito nakasalalay ang tagumpay ng pagharap sa mga susunod pang yugto ng iyong buhay. Ito rin ang makatutulong upang maging maligaya ka sa iyong pamumuhay.
b. Pagpapaunlad ng Talento at Kakayahan at Wastong Paggamit ng mga ito.
Isa kang obra ng Diyos. Biniyayaan ka ng talento at kakayahan na maaari mong gamitin at paunlarin. Kung hindi ito gagamitin at pauunlarin, hindi lamang ikaw kundi maging ang lipunan ang nawalan ng pagkakataon na makinabang. Mawawala ang posibilidad na maibahagi ang kakayahan na maaari sanang magkaroon ng mahalagang gamit para sa lahat. Katulad na lamang ng isang aklat na hindi nabigyang katuparang maisulat. Maging mga imbensyong maaari sanang makapagpaginhawa sa buhay ng tao
ngunit hindi nabigyang-buhay. Makiisa ka sa iyong pamilya at sa paaralan sa pagpapaunlad ng iyong talento at kakayahan. Isa ito sa mahalagang bahagi sa pagbuo ng iyong sarili at sa iyong pag-unawa sa dahilan ng
iyong pagkalalang.
c. Makabuluhang Paggamit ng mga Hilig.
May kasabihan sa Ingles na, ”Do what you love and you will love what you do”. Ngunit hindi sapat na
ginagawa mo ang gusto mo, kailangan mong masiguro na ginagawa mo ito nang makabuluhan. Napakaraming mga tinedyer na mahusay sa paggamit ng kompyuter. Pero sa iyong palagay, tama bang ubusin nila ang kanilang panahon sa harap ng kompyuter at naglalaro sa halip na nag-aaral? Bakit hindi mo na lamang pagyamanin ang mga hilig mo at gamitin upang maihanda ang iyong sarili sa isang kursong gusto mo sa kolehiyo? O di kaya naman ay tumulong ka sa paaralan upang magturo sa mga kapwa mo mag-aaral na hindi marunong gumamit ng kompyuter? Makikita mo na hindi mabibili ng pera ang makukuha mong kapalit mula dito. Napagyaman mo pa ang iyong hilig. Sana makatulong
Explanation: