ano ang ibig sabihin ng anekdota
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
EXPERT ANSWER
Ano ang anekdota?
What is an anecdote?
Ito ay maikling kuwento ng isang nakakawiling insidente sa buhay ng isang tao. It is a short tale of an amusing incident in the life of a person.
Ang anekdota ay isang maikling kuwento o pagsasalaysay ng ilang kawili-wling insidente o pangyayari.
KAHULUGAN SA TAGALOG
anekdóta: maikling salaysay ng natatangi at kawili-wiling pangyayari, karaniwan sa búhay ng kilalá o dakilang tao, at maaaring tunay na nangyari o hindi
Ang pangunahing layon ng isang anekdota ay ang makapaghatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan.
Ang isang anekdota ay isang maikling akda. Bunga nito, dapat pagsikapan na ang mga pangungusap lalung-lalo na ang pambungad na pangungusap ay maging kapanapanabik. Ang isang magandang simula ay magbibigay ng pagganyak sa mga mambabasa at mahihilig upang ipagpatuloy ang kanilang pagbasa ng anekdota.
Ang isang anekdota ay may isang paksang tinatalakay. Ito ay dapat bigyang kahulugan sa pagsulat ng anekdota. Lahat ng mga pangyayari ay dapat magbigay ng kahulugan sa ideyang nais ipadama.
Ang isang magandang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkakaunawa sa kaisipang nais nitong ihatid sa mga mambabasa. Di-dapat mag-iwan ito ng anumang bahid ng pag-aalinlangan na may mga susunod pang mangyayari.
Ang anekdota ay ang tawag sa isang kwento na hango sa totoong buhay ng tao