ano ang ibig sabihin ng knowledge is power para sayo.
Share
ano ang ibig sabihin ng knowledge is power para sayo.
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Sagot :
Pinasikat ang kasabihang “ Kung may knowledge, may power” ni G. Ernesto J. "Ernie" Baron na isang Filipino broadcaster at imbentor. Siya ay tinawag na “weatherman” ng ABS-CBN sa isang programang “TV Patrol”. Tinagurian din siyang “The Walking Encyclopedia”.
Ang ibig sabihin ng “knowledge” ay kaalaman. Ito ay nagbibigay sa isang tao ng kumpiyansa sa sarili. Kaya napakamahalaga sa atin ang magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga bagay. Halimbawa, kaalaman tungkol sa mga karapatan ng tao. Kung mayroon tayong kaalaman tungkol sa ating mga karapatan, mayroon din tayong “power” o kapangyarihan na makikipaglaban nito. Dahil kung wala tayong kaalaman, madali tayong maloko at maapi.
Tulad nalang ni G. "Ernie" Baron, napakahusay at maimpluwensya siyang tao. Marami siyang kaalaman tungkol sa ibat-ibang bagay kaya may kapangyarihan siyang tumulong, naging boses sa kaalaman at higit sa lahat may kumpiyansa sa sarili. Ang ating “power” ay puwede natin gamitin upang maging ilaw tayo sa ibang tao lalo na sa mga mahihina at walang alam. Kaya natin silang tulungan at ipaglaban. Ngunit kung wala tayong”knowledge” o kaalaman, hindi rin tayo magkaroon ng “power” o kapangyarihang tumulong sa iba.
Kaya sang-ayon ako na “Kung may knowledge, may power!”
Kung gusto mo ng karagdagang impormasyon tungkol sa kahalagahan ng “knowledge”, you may click this link: https://brainly.ph/question/1630643
#BRAINLYEVERYDAY
Answer:
"Kaalaman ay Kapangyarihan"
Explanation:
Ang Kaalaan ay Kapangyarihan.
Madalas kapag nababanggit ang salitang Kapangyarihan, ang unang pumapasok sten isipan ay mga pambihirang kakayanan ng mga taong hindi pangkaraniwan o Super Heroes.
Subalit ang pagkakaroon ng kaalaman , hindi lamang kaalaman sa iisang bagay kundi iba't ibang uri nga kaalamang pwede makaalap sa pang araw araw na pamumuhay ay maituturing din na Pambihirang Kakayanan o Kapangyarihan.
isipin na lang ang halimbawang ito, ikaw ay nasa isang komunidad, ng isa sa iyong mga kapitbahay ay kinailangan ng agarang lunas dahil sa nalagay sa alanganin ang kanyang buhay, ng biglang sumikip ang dibdib at tuluyang nahirapang huminga.
Ikaw naman ay isang sertipikadong tao na dumaan sa masusing pagsasanay ng Safety and Awarenes kung saan kasama dito ang pagsalba ng buhay gamit ang CPR. Ang pagkakaroon ng Kaalaman sa pagsasalba ay isang kapangyarihan na maituturing, dahila hindi lahat ng tao ay nagtataglay neto. Ang kapangyarihan ay iisang pambiharang kakayahan na hindi matatagpuan sa lahat ng tao.
Para saa pang impormasyon tungkol sa "Knowledge is Power", maaari lang bisitahin ang link na ito:
https://brainly.ph/question/3101856