Ano ang ibig sabihin sa pahayag ni Dr. Jose Rizal "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan"
Share
Ano ang ibig sabihin sa pahayag ni Dr. Jose Rizal "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan"
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
kung magkakaisa ang mga kabataas sa pagkilos maaring magpabago o mapagunlad ang bansa dahil sila ang magiging role models ng mga susunod pang henerasyon
Answer:
Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”- Dr. Jose P. Rizal : Tunay pa nga ba ang katagang ito?
“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”- Dr. Jose P. Rizal
“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan” ilang bese mo na bang narinig o nabasa ang tanyag na katagang iyan? Ilang milyong beses na marahil ito naisulat o sinabi ng mga Pilipino may pangalan o karaniwang mamayan man. Marami ang nagsasabi na gasgas na nga yatang maituturing ang pahayag na ito n gating pambansang bayani . Ngunit bagamat pal;asak na tila yata hindi parin nauunawaan ng marami sa ating mga kabataaban ang tunay na kahuluagn nito. Sa pahayag na ito ipinahihiwatg ni Rizal, ang matibay na pagtitiwala sa mga kabataang Pilipino. Alam niyang taglay ng bawat kabataang Pilipino ang di matatawarang kakayahan para higit na mapaunlad ang ating bayan. Batid ni Rizal na ang bawat kabataang Pilipino ay may kakayahang mag pasimula ng pagbabago sa ating lipunan. Isang uri ng pagbabago kung saan makikinabang ang bawat Pilipino. Umaasa si Rizal na darating ang araw na bibigyan ng bawat kabataang Pilipino ng magandang kinabukasan at iwawagayway ang bandila ng Pilipinas, bilang tanda na tayo ay malaya na sa anumang anyo ng pang-aalipin. Sa pagbibitiw ng mga katagang ito nais ng ating pambansang bayani na mamulat ang mga kabataang Pilipino mula sa tunay na kalagayan n gating bansa at mula dito gawin ang buong makakaya para alisin ang bansang Pilipinas mula sa kinasasadlakan nito. Ngunit nasaan na nga ba ang mga kabataang tinutukoy ni Rizal na pag-asa ng bayan/? Sa kabila ng katotohanan na maraming mga kabataan ang talagang pasaway, batugan, iresponsable at rebelde sa kanilang mga magulang umaasa ako na mumulat at maiintindihan din nila ang kanilang mga pananagutan at tungkulin. Paano nga ba maging kabataan na pag-asa ng bayan gaya ng tinutukoy ni Rizal sa kanyang kataga? Simple lang! Kinakailangang maging buhay sa ating puso’t isip ang pagnanais na masimulan ang pagbabago sa ating sarili dahil paano ka makapagpapasimula ng pagbabago sa iyong paligid kung sa sarili mo mismo ay hindi mo kayang magpasimula ng positibong pagbabago. Paano ka magiging pag-asa ng bayan kung inaaksaya mo ang iyong panahanon sa mga walang katuturang bagay. “Time is gold” ika ng nila, huwag na nating ipagpabukas pa an gating mga Gawain kung puwede naman nating gawin ngayon.
Ikaw? Naniniwala kaba sa sarili mo na ang kabataan ay pag-asa ng bayan gaya ng paniniwala ni Gat. Jose Rizal? Kung oo, sikapin nawa nating mga kabataan na huwag ng maka dagdag pa sa suliranin n gating bayan dahil tayo mismo ang taga guhit ng ating sariling kapalaran sa ating mga palad. Tandaan na tayo nga’y malaya ngunit ang kalayaan ay hindi upang gawin ang bawat nais natin, ngunit upang gawin ang tama at nararapat.