ANO ANG IBIGSABIHIN NG RETORIKA
Share
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang Retorika
· Galing sa salitang Griyego na RHETOR na nangangahulugang guro o maestro na mananalumpati o orador
· Ang kaalaman sa mabisang pagpapahayag, pasalita man o pasulat
· Mabisa sapagkat maayos, malinaw, maengganyo, at magandang pakinggan o basahin ang pagsasabi
· Isinasaalang-alang dito hindi lamang ang mga kaalamang gustong ibahagi, gayundin ang mga kaalamang pangwika gaya ng palatunugan at palabigkasan kung pasalita, ng palabaybayan at palabantasan kung pasulat, bagkos at lalo’t higit, yaong matimbang na pagpili at tamang paggamit ng mga salita, at ang maingat at lohikal na pagbuo ng mga kaisipan – mapasapangungusap o mapasatalata.
· Tumutukoy sasining ng maayos, malinaw, mabisa at kaakit-akit na pagpapahayag upang maunawaan at makahikayat sa mga nakikinig at bumabasa.
· Tumutukoy sa agham at sining ng pagpapahayag maging pasalita man o pasulat sa tulong ng wasto at makabuluhang paggamit ng wika, kaagapay ng masining at mabisang estilo ng pagpapahayag.