ano ang Ideya mo tungkol sa inplasyon
Share
ano ang Ideya mo tungkol sa inplasyon
Sign Up to our social questions and Answers Engine to ask questions, answer people’s questions, and connect with other people.
Login to our social questions & Answers Engine to ask questions answer people’s questions & connect with other people.
Answer:
Ang inflation ay ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa isang ekonomiya. Dahil sa pagtaas ng presiyo ng mga produkto at serbisyo, mas kumakaunti ang nabibili ng parehas na halaga ng salapi. Nasusukat ang implasyon gamit ang inflation rate, o bilis ng pagtaas ng presiyo ng isang basket ng mga produkto at serbisyo.
Further information
Mga dahilan ng implasyon
Isa sa mga pangunahing dahilan ng implasyon ay ang pagtaas ng singil ng mga bahay-kalakal sa kanilang mga produkto. Maaring dahil ito sa pagtaas ng mga salik ng produksyon. Halimbawa, maaring tumaas ang sahod ng mga manggagawa na siya namang ipapasa ng mga bahay-kalakal sa sambahayan sa pamamagitan ng pagtaas ng presyo. Isa pang halimbawa ng salik ng produksyon ay mga likas na yaman na ginagamit sa paggawa ng mga produkto tulad ng langis. Kapag tumaas ang presiyo ng langis, tataas din ang presiyo ng mga bilihin.
Isa pang dahilan ng implasyon ay ang pagtaas ng demand sa mga produkto. Dahil alam ng bahay-kalakal na mataas ang demand sa isang produkto, maari pa silang gumawa nito na siyang magtatas ng suplay at demand ng produkto. Nang lumaon, hindi na makasabay ang suplay sa pagtaas. Tataas ang demand kaya tataas ang presiyo ng mga produkto at serbisyo.
Ang bangko sentral, na siyang namamahala sa pangkalahatang suplay ng pera sa ekonomiya ay maari ring maging dahilan ng implasyon. Kung sa tingin ng bangko sentral na mabagal ang daloy ng pera sa ekonomiya, dadagdagan nila ang suplay ng pera sa ekonomiya. Kapag dumami ang pera sa isang ekonomiya, mas kakaunti na lamang ang mabibili nito. Halimbawa, ang PhP 100 ay makakabili ng isang kilo ng karne. Dahil sa implasyon, ang PhP 100 mo ay 900 gramo nalang ng karne ang mabibili. Mahihikayat ang mga tao na gastusin ang pera na nasa kanila kaysa ipunin ito. Ito rin ang paliwanag sa tanong na bakit hindi nalang mag-imprenta ng bagong pera para mabayaran ang utang panlabas at ng isang bansa. Ang kabaligtaran din nito ay totoo, kung nakikita ng bangko sentral na masyadong mabilis ang daloy ng pera na siyang magdudulot ng mataas na implasyon, maaring bawasan ng bangko sentral ang suplay ng pera sa merkado.
Epekto ng implasyon
Kapag may implasyon, mas mahihikayat ang mga tao na gastusin ang pera nila ngayon kaysa sa kinabukasan. Dahil dito, bibilis ang daloy ng pera at ang pag-unlad ng ekonomiya. Kadalasan maliit lamang ang implasyon at isa sa mga layunin ng bangko sentral ay pangsaiwaan ang implasyon.
Ang mataas na implasyon ay delikado sa isang ekonomiya. Kapag mabilis ang pagtaas ang presyo ng bilihin, maaring magtago at magipon ang mga tao ng mga produkto at serbisyo. Mangngamba sila na wala ng mabili ang pera nial kinabukasan kaya bibili na sila ngayon.
Dahil din sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, maaring humingi ang mga manggagawa sa bahay-kalakal na taasan ang sahod nila upang makasabay sila sa implasyon. Maari ring magkaroon ng mga protesta laban sa gobyerno dahil hindi nila napapangasiwaan nang maayos ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ang implasyon ay may mabuti ring dulot sa ekonomiya. Sa banayad na implasyon, masisiguro na umiikot ang pera. Hindi rin maganda ang kabaligtaran ng implasyon, deplasyon. Kapag may deplasyon, mas mahihikayat ang mga tao na mag-ipon ng pera at hindi gumastos dahil alam nila na mas marami silang mabibili sa hinaharap. Sa labis na deplasyon, bumabagal ang daloy ng pera sa ekonomiya.
Explanation:
Answer:
hope its help
Explanation:
correct if wrong